_pang-masa
^

Pang Movies

Agimat may aral sa mga umaabuso sa gubat!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Agimat may aral sa mga umaabuso sa gubat!

Moral lesson sa mga hunter ng iba’t ibang ibon sa kapuluan ang Agimat ng Agila starring Bong Revilla. Nalaman nilang ipinagbabawal ito ng batas dahil papaubos na ang mga naiibang uri ng ibon sa ating kabundukan.

Sa serye nga, ipinakita ni Bong na iniligtas ang buhay ng mga agila laban sa mga pusakal sa kagubatan. Sa Atimonan, Quezon pala sila nag-taping kaya’t kitang-kita ang ganda ng kalikasan.

Napuna sa serye ang acting ni Michelle Dee. Lutang na lutang ang husay ng dalaga sa eksena. Hindi rin paaawat sa pagganap sina Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon at Sanya Lopez.

Coco, pagod na sa pagtatago!?

Mukhang malapit na ngang tuldukan ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Mukhang wala nang mapupuntahan si Coco Martin para magtago at halatang pagod na rin ang mga kasamahan niya sa pagtatago at patakbu-takbong parang walang katapusan.

Mapapansin ding may mga eksenang tipong for adults only gaya ng eksena ni Rowell Santiago at tennis player from Angeles City na si Maika Rivera, na may kakaibang love making. Imagine, bago pa magromansa sana ang dalawa, gusto pa ni Rowell na itali both hands niya saka hahalikan ni Maika. Wow, presidente ang role pero may ganitong uri ng romansa. Ano ‘yung masokistang presidente?

Naku, ayaw ng mga nanay ng ganyan na magka-ideya ang mga anak na kasama sa panonood ng serye. Bakit nga kaya may ganun pangmatandang eksena.

Fans pinipigilang magpa-sexy si Barbie

May humaharang sa planong pagiging daring na raw si Barbie Forteza. Ayaw daw ng fans ni Barbie na magpaseksi siya dahil feeling nila siya ang hahalili sa trono ng yumaong si Nida Blanca na comedy queen.  Ni minsan daw ay hindi nag-bold ang dati nilang idolo na ipinalit si Barbie Forteza.

Wow, me ganun?

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with