^

Pang Movies

Kuya Na, Nanay Pa tampok sa #MPK

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong darating na Sabado (May 29) sa Magpakailanman, balikan ang natatanging kuwento ng magkakapatid na nawalay sa kanilang ina at natutong lumaban sa murang edad.

Lingid sa kaalaman ng ina ni Alexis (John Kenneth Giducos) na sinasaktan ito ng kanyang stepfather habang nakikipagsapalaran siya sa Maynila. Sa murang edad ay naiwan kay Alexis ang responsibilidad na alagaan ang kanyang mga nakababatang kapatid – si Aljur (Seth dela Cruz) at AJ (Khaine dela Cruz) na may Cerebral Palsy.

Nang mas naging bayolente ang kanyang stepfather ay lumayas siya kasama ang kapatid na si AJ at naiwan si Aljur sa kanyang ama. Dumidiskarte si Alexis kung paano mapapakain at mabubuhay ang kanyang maysakit na kapatid.

Para ‘di lumiban sa klase, buhat-buhat ni Alexis si AJ patungong eskuwelahan na siyang kinunan naman ng litrato ng kanyang guro. Nag-viral ang litrato sa social media at hinangaan si Alexis sa kanyang kasipagan at pagmamahal sa kanyang kapatid na may kapansanan.

Tunghayan ang nakakaantig na kuwento ng Kuya na, Nanay Pa: The Alexis Peralta Story, ngayong Sabado, 8 p.m., sa Magpakailanman.

MAGPAKAILANMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with