^

Pang Movies

Maine, inaming may stage fright pa rin

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maine, inaming may stage fright pa rin
Maine

Aminado si Maine Mendoza na hanggang ngayon ay may stage fright pa rin siya kahit na ilang taon na siyang artista at daily host ng Eat Bulaga.

“Kahit everyday na kami nagbu-Bulaga, every time na mag-step ako sa stage, talagang hindi pa rin nawawala ‘yung kaba. Parang first time siya ulit sa akin and parang hindi ko alam kung pano ‘yun gawin,” ani Maine sa virtual mediacon ng bago niyang show sa TV5, ang reality talent show na PoPinoy kung saan ay sila ni Paolo Ballesteros ang magsisilbing hosts.

Dagdag pa niya, “pero siguro, it depends on the people you’re working with, parang they’re making the setting comfortable for you. Du’n mo na rin nalalabas and du’n na rin slowly na nagagawa mo ‘yung trabaho mo.”

Aminado rin siyang during the said presscon ay kinakabahan siya at mukhang matatagalan pa raw bago mawala ang kanyang stage fright.

“So, ayun, hindi siya talaga mawawala for me. It takes time. Ngayon kinakabahan ako (sabay-tawa). Sobra talaga siya. Hanggang ngayon, problem siya sa akin. Hindi ko alam kung paano i-handle ‘yung kaba kapag nasa stage, pero parang nagagawa ko naman, parang I’m getting by,” she said.

Simula nang mag-start si Maine sa showbiz via Eat Bulaga ay sa GMA 7 na siya talaga napapanood at ngayon pa lang siya nag-cross over sa ibang istasyon.

Ayon sa Phenomenal Star ay hindi rin niya akalain na mapapanood pa siya sa ibang network kaya naman sobrang grateful niya na in-offer sa kanila ni Paolo ang show.

“Masaya talaga ako nu’ng in-offer sa akin ‘to kasi iba siya, eh. Parang ibang environment din. And para sa dinami-dami ng hosts, ‘di ba, parang tayo ang napili, nakakatuwa rin,” sey ni Maine,

Makakasama nina Paolo at Maine ang PoPinoy Headhunters na sina Kayla Rivera, DJ Loonyo, Jay R, at Maja Salvador.

Kris, nilantad ang tampuhan nina Joshua at Bimby

Sa mahabang Instagram post ni Kris Aquino kahapon, she revealed na nagkaroon pala ng mahabang tampuhan ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

“We are not a perfect fa­mily, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal- finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa.

“I can share that story because it’s about my sons & me… my family is not just limited to my 2 boys, alam nyo how important my sisters & brother are to me, BUT they value their privacy and i totally respect that i can share my life but not our lives,” ang pagbabahagi ni Kris.

Sa larawan ay makikitang nagyayakapan ang mag-iina at ayon kay Kris ay nagpaalam na sila ni Bimby kay Josh na talagang nagdesisyon nang sa Tarlac na manirahan. Ibinahagi rin niya na magkakaroon ng birthday outreach ang kanyang panganay na anak sa Tarlac.

“The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied,” ani Kris.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with