^

Pang Movies

Robin, nangatuwiran sa ginawang swab sa sarili!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin, nangatuwiran sa ginawang swab sa sarili!
Robin

Sumagot si Robin Padilla sa mga basher niya na bumatikos sa kanyang pag-swab sa sarili kamakailan.

Matatandaang recently ay nag-post ng video si Binoe kung saan ay makikitang siya na ang nag-swab sa sarili matapos mainip sa nurse na hindi pa dumarating.

Inulan ng bashing si Binoe dahil dito at sinabing hindi raw recommended sa hindi health professionals ang mag-swab dahil maaaring magkamali at hindi maging accurate ang resulta.

Sa kanyang Instagram post kahapon ay sumagot si Binoe sa bashers at ipinaliwanag na alam niyang mag-swab sa sarili.

“Kung hindi mo po kayang gawin mag isa wag mo po gawin walang pumipilit po sa inyo. Gawain po ito ng mga sanay na sa testing at magbanat ng mga Buto, lalo kapag kailangan makisalamuha sa mga katrabaho lalong lalo sa gitna ng karagatan,” simula ni Binoe.

Hindi raw siya pa-baby at hindi palaasa.

“Tanggapin niyo man po o hindi sadyang may mga taong katulad namin na hindi pa baby, hindi aasa na Lang sa magaganap! Ang lahat ng paraan ay gagawin ng isang mandaragat para makapagpatuloy na makapaglayag,” aniya.

Dagdag pa niya ay 3x a week daw siya magpa-swab test kaya natuto na rin daw siya.

“Kung meron nurse o doctora abay napakaganda pati sa tanawin pero kung wala at sanay ka ng katulad po namin dahil sa isang linggo ay 3 beses po naming ginagawa ang swab test eh MANHID na Lang ang butas ng Ilong ng Taong hindi po matuto,” pangangatwiran ni Binoe.

Sa huli ay nangaral ang action star sa mga kababayan na huwag masyadong pa-cute.

“Kaya hindi tayo umaasenso mga kabayani. Malakas ang loob natin sa katarantaduhan at kawalanghiyaan pero kapag sa kapakanan ng sarili at ng mga kasama sa Paligid mo ang dami natin NGAW NGAW kesa sa gawa. Konting balls lang naman po ang kailangan mga TOL. 2 taon na po ang covid kung wala ka pa rin natutunan lalo ang mag test sa sarili mo kung walang available na health frontliner sa lugar mo abay masyado ka ng nagpacute,” mensahe ni Binoe.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with