^

Pang Movies

Ruby, may bagong trabaho sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ruby, may bagong trabaho sa Amerika
Ruby at Toni

Dahil sa pandemya, maraming Dabarkads ng longest-running noontime show na Eat Bulaga ang nawalan ng trabaho at kasama na rito ang 55-year-old  actress-comedienne-host na si Ruby Rodriguez na naging parte ng programa since 1991 o halos tatlong dekada.

Bukod sa nawala si Ruby sa Eat Bulaga, namatay sa COVID-19 coronavirus ang kanyang kapatid na doktora na si Dr. Sally Gatchalian, president ng Philippine Pediatric Society noong March 26, 2020 kaya sobrang sakit ang naramdaman noon ng actress-comedienne-host.

Gayunpaman, walang choice si Ruby at ang kanyang mga mahal sa buhay kundi ang mag-move on.

Marami naman ang ginulat ni Ruby at natuwa para sa kanya nang siya’y mag-post sa kanyang Instagram account last Monday, May 24, na siya’y nagsimula na sa kanyang first office job sa Philippine Consulate General in Los Angeles, California, USA. 

Although wala pang ibinabahagi ang actress-comedienne-host na nag-relocate na sila ng kanyang pamilya sa Amerika, nakikita sa kanyang photos sa kanyang social media account  na super bonding sila ng kanyang husband na si Mark Aquino at mga anak na sina Toni at Don AJ sa bayan ni Uncle Sam.

AJ, inamin ang relasyon nila ni Axel

Although nagbida na ang dalaga ng actor na si Jeric Raval, ang sexy actress na si AJ Raval sa pelikulang Death of a Girlfriend kung saan niya katambal ang nagbabalik-showbiz na si Diego Loyzaga, she doesn’t mind playing support sa dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda sa sexy-drama movie na Nerisa na sinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee mula sa direksyon ni Lawrence Tan sa ilalim ng Viva Films. Sa virtual story conference ng Nerisa na nakatakdang ipalabas sa Vivamax, inamin ng sexy actress na boyfriend niya ang ex-Pinoy Big Brother housemate-turned actor at binatang-ama na si Axel Torres.  Wala pa umano siya (AJ) sa showbiz nang maging sila.

Si AJ ay isa sa 18 anak ng dating OctoArts Films’ action star na si Jeric Raval sa magkakaibang babae including her mom, ang dating sexy actress na si Alyssa Alvarrez.

Kring-Kring, 20 taong nawala sa showbiz

Hindi ikinakaila ng nagbabalik-showbiz na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez na malaking honor umano para sa kanya na mapabilang sa top-rating and long-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ng TV primetime king na si Coco Martin. “Maraming artista ang gustong makatrabaho si Coco at makapag-guest sa Ang Probinsyano at isa na ako ru’n,” ani Kring-Kring na comeback project ng singer-actress at dating konsehal at mayor ng Tacloban City.

Bukod sa Ang Probinsyano, si Cristina ay kasama rin sa comeback movie project ng megastar na si Sharon Cuneta sa bakuran ng Viva Films, ang Revirginized kung saan din tampok sina Albert Martinez, Rosanna Roces at Marco Gumabao.

Natutuwa si Cristina na kahit mahigit 20 taon siyang nawala sa showbiz ay winelcome pa rin ang kanyang pagbabalik. “I’m thankful sa Viva, my new home studio,” aniya.

Bumalik si Cristina sa showbiz matapos siyang huminto sa kanyang politicial career at malalaki na rin ang kanyang mga anak na sina Sofia at Caden sa mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez.

Si Cristina ay isa rin sa brand ambassadors ng Beautederm.

RUBY RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with