_pang-masa
^

Pang Movies

Kathryn, planado na ang mga gagawin ‘pag ikinasal kay Daniel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kathryn, planado na ang mga gagawin âpag ikinasal kay Daniel
KathNiel

Hindi pa man engaged sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay puro kasal na ang pinag-uusapan at tinatanong sa kanila lately. Like kung ano ang mga plano nila kapag mag-asawa na sila, saan sila titira, ilang anak ang gusto nila at iba pang mga detalye.

And yes, ito na naman nga ang napag-usapan sa bagong segment ng YouTube channel ni Kathryn na TGIS With Robi Domingo. Sa nasabing vlog ay ibinahagi ng aktres ang mga plano nila ni Daniel kapag ikinasal na sila.

Siyempre, ayon kay Kathryn, first and foremost ay magkaroon sila ng sariling bahay.

“Kasi feeling ko once you’re married and you are starting a family na or ‘yung relationship na ‘yon on a deeper level, I think you need your space,” sey ni Kath.

Sinabi na rin daw niya kay DJ (Daniel) na ayaw na muna niyang magkaroon ng anak.

“Ayoko rin na mag-anak agad, sinabi ko sa kanya. Kasi gusto ko, enjoy muna namin, ta’s ‘di kami naka-travel ngayon, so ‘yun ang gagawin.

“And then, once I’m ready, once we’re ready…

“No pressure naman na mag-baby agad after,” ani Kathryn.

Sey pa niya, “iba-iba ‘yung couple, kanya-kanyang time ‘yan. We’re taking it day by day kung ano man ang mangyayari.”

Ngayong araw na ito nakatakdang mag-celebrate ng kanilang 9th anniversary as a couple ang KathNiel.

Aicelle, maraming natuklasan nang magkaanak

Kuwento ng Soul Diva na si Aicelle Santos, maraming bagay ang nabago at natuklasan niya tungkol sa kaniyang sarili simula nang maging ganap na mommy siya kay Baby Zandrine.

Sa nakaraang interview niya, ibinahagi ni Aicelle na nasorpresa siya sa mga kinakaya niyang gawin para sa anak, “What surprised me the most is how much you can change for your child. Now na mayroon ka ng anak, ‘pag gumising na ang anak mo ng 6:30 a.m., wala kang choice, kailangan mong gumising ng ganoon kaaga. Magche-change siya, magfi-feed siya, kailangan mong magpaaraw. ‘Yun ‘yung mga bagay na naisip kong kaya ko palang magbago. Bakit? Kasi mahal na mahal mo ‘yung anak mo and you will do everything or anything for her.”

Bukod sa pagiging mommy, abala rin si Aicelle bilang mainstay performer sa weekend variety show na All-Out Sundays at pagiging judge sa singing competition for kids ng GMA na Centerstage.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with