_pang-masa
^
Aga, binasbasan ang mga manliligaw ni Atasha
Atasha

Aga, binasbasan ang mga manliligaw ni Atasha

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 24, 2021 - 12:00am

How time flies, Salve A.

Heto at 20 years old na pala si Atasha, isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales (the boy is Andres) at willing na raw si Aga na tumanggap ito ng manliligaw.

“Kailangang sa bahay (nila sa Alabang) ito puntahan ng manliligaw,” anang source namin.

Kung hindi nagkaroon ng pandemya, malamang na nasa United Kingdom sana si Atasha dahil sa isang university doon niya gustong mag-aral.

Management ang kursong kukunin ni Atasha. And she would have for chaperone niya sana, her Lola Elvie (former beauty queen and mother ni Charlene),

Meanwhile, balitang nakaalis na for Spain ang kambal ni Atasha na si Andres.

Sa isang university naman daw doon ito nag-aaral ng college studies niya.

DPWH Sec. Mark at Sen. Cynthia, magkakasabay sa Senado?

Narinig namin, Salve A., sa interview ni Karen Davila sa programa niyang Headstart sa ANC (ABS-CBN News Channel), na posibleng tumakbo for senator si Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa 2022 election.

Secretary Mark’s mom, Cynthia Villar, is currently a seating senator.

Thus, if ever, magkakaroon uli tayo ng mother and son sa Senado na parang sila Dra. Loi at Jinggoy Estrada noon.

Secretary Mark is 42 years old.

His wife, the former Emmeline Aglipay, is a lawyer and currently a seating Justice Undersecretary.

Secretary Villar’s dad, Manny Villar, served as Senate President from 2006-2008.

A billionaire businessman, former senator Manny, is considered the richest Filipino, in a survey conducted by an international researcher.

Marjorie, magdedemanda ng bashers?!

Apektado pala si Marjorie Barretto sa mga nababasa niyang pamba-bash sa anak na si Julia Barretto sa social media and other accounts.

Whether they are true or not, Marjorie admits na apektado siya.

At puwede raw na may gawin siya bilang isang nanay na posibleng pagsisihan ng bashers ni Julia.

Anong move itong gagawin ni Marjorie, well, ito ang ating abangan.

Kasabihang, ang isang ina, damdaming ina ang umiiral kapag ang involved ay kanyang anak.

Luis, may pinagmanahan 

Now it can be told na posible ngang pumasok sa pulitika si Luis Manzano.

Sabi nga ng mga nakakakilala sa pamilya ni Luis, may pagmamanahan naman talaga siya.

Hindi nga naman talaga ang mommy lang niya, si actress for all season, Vilma Santos, ang politician sa kanilang pamilya o kaya ang stepfather niyang si Senator Ralph Recto, kundi kahit ang dad niyang si Edu Manzano.

Minsan ding na-elect as Vice Mayor ng Makati si Edu.

If ever, ano kayang position ang pupuntiryahin ni Luis?

And ready na ba ang bagong asawa niyang si Jessy Mendiola na maging isang politician’s wife?

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with