_pang-masa
^
Luis, tatalikuran na ang showbiz?!
Luis

Luis, tatalikuran na ang showbiz?!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 23, 2021 - 12:00am

Come October 2021 ay malalaman kung magpaparehistro bilang isa sa candidates ang actor-TV host at celebrity endorser na si Luis Manzano na lumulutang na ang pangalan na tatakbo umano sa pagka-mayor ng Lipa City in Batangas kung saan naging mayor ang kanyang ina, ang Star for All Seasons at seasoned politician na si Vilma Santos-Recto.

Bago ang 2016 elections ay lumutang din noon ang pangalan ni Luis na kakandidato umano sa pagka-alkalde ng Lipa pero natapos ang election na walang Luis Manzano na tumakbo.

Hindi isinasara ni Luis ang pagkakataong pasukin na rin ang larangan ng pulitika na parehong pinasok hindi lamang ng kanyang inang si Vilma kundi ­maging ng kanyang amang si Edu Manzano. Pulitiko rin ang step-dad ni Luis na si Ralph Recto at pamilyang pinagmulan nito.

Kapag pinasok ni Luis ang pulitika, tiyak na pansamantala siyang titigil sa kanyang showbiz career para harapin ang bagong phase ng kanyang career.

Yassi, magiging busy na sa pagho-host

Hindi maikakaila na malaki ang naitulong ng FPJ’s Ang Probinsyano sa career ni Yassi Pressman kung saan siya naging bahagi sa loob ng halos limang taon mula 2016 up to March this year.

Pagkatapos niyang um-exit sa action-drama series ay may movie kaagad na sinimulan si Yassi and is soon to host a new game show sa TV5, ang Philippine adaptation ng British TV game show na Rolling In It hosted by Stephen Mulhern.

Ang Rolling In It (Philippines) will be hosted by Yassi and produced ng Viva TV Production in ­cooperation with Cignal TV and Sari-Sari at mapapanood sa TV5. Ito’y nakatakdang magsimula sa darating na June 5 (Saturday) at 7 p.m.  Ito bale ang ookupa sa dating time slot ng Born To Be A Star na ang grand finals ay ginanap noong nakaraang May 8, 2021 with Jehramae Trangia as grand winner.

Jao, nakaka-survive sa pagpipinta

Hindi ikinakaila ng actor-painter na si Jao Mapa na malaki ang naitulong ng kanyang paintings sa panahon ng lockdown dahil sa COVID-19 para maka-survive siya at ang kanyang pamilya – his wife na si Cecile at tatlong mga anak na sina Ben (18), Caleb (15) at Stacey (14).

Tuluy-tuloy ang benta ng paintings ni Jao online dahil nasa online business din ang kanyang wife na si Cecile.

Although hindi pa rin bumabalik sa normal ang lahat dahil sa pandemic, natutuwa si Jao na unti-unti na rin siyang nagkakaroon ng acting job sa tulong ng Viva, his new management company.

May bagong movie project na rin siyang sisimulan sa bakuran ng Viva Films na nakatakda nilang pagtambalan ng rising star na si Rhen Escaño.

Speaking of Rhen, may ilang movie project na rin itong tinapos sa bakuran ng Viva na nagbigay sa kanya ng kanyang launching movie, ang Adan kung saan niya co-star ang dating beauty queen na si Cindy Miranda.

Tulad ni Yassi Pressman, sobra ring thankful si Rhen sa Ang Probinsyano kung saan siya kabilang sa loob ng isang taon at tatlong buwan.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with