_pang-masa
^
Mario Maurer, half Pinay ang totoong dyowa!
Mario, gf & friends

Mario Maurer, half Pinay ang totoong dyowa!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 20, 2021 - 12:00am

Half Thai / half Pinoy pala ang girlfriend ng sikat na Thai actor na si Mario Maurer.

Junji Junp ang name niya. Thai ang daddy nito at ang mommy ang Pinay.

Actress, model and singer din sa Thailand si Junji.

Pero wala siyang photo nila ni Mario na isa sa mga endorser ng TNT (prepaid) sa IG account niya.

At diumano ayon sa isang news story sa Thailand, eight years na sila ni Mario.

Ayun naman pala. Kaya siguro ayaw nang camp ni Mario na ma-link or ma-mention man lang ang name nito ng ko­medyanang si Kakai na minsan na rin idinenay ng aktor na si Ahron Villena.

Baka ang mommy ng Thai actress ang nag-request kay Mario na i-dettached ang name sa Pinay comedian.

Naku ayaw ni Kuya Kim Atienza, na pinagtatakhan kung anong galit kay Mario Maurer at sunud-sunod ang reaction against him.

Hahaha.

What gives nga ba Kuya Kim?

Juday pinasasalamatan ng fan na ipinagamot ang cancer

Pasasalamat at pagbibigay-pugay ang hatid na mensahe ng mga kaibigan, kapamilya, at katrabaho ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang special episode ng Kapamilya docu-drama na Paano Kita Mapasasalamatan sa Sabado (Mayo 22).

Magsisilbing host ang King of Talk na si Boy Abunda sa episode kung saan sosorpresahin si Juday ng ilan sa pinakamatatalik niyang kaibigan sa industriya tulad nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Regine at Ogie Alcasid, Iza Calzado, Jolina Magdangal, at Sharon Cuneta.

Ibibida rin sa episode ang kwento ng tatlong taong taos-pusong nagpapasalamat kay Juday dahil sa pagtrato sa kanila bilang pamilya at sa mga oportunidad na ipinagkaloob nito sa kanila.

Kabilang na rito si Jess Osida, isang retired talent coordinator sa ABS-CBN at ang unang kumupkop kay Juday bilang manager.

Itatampok din ang kwento ni Jyzelle Yu, ang head chef ng restaurant ni Juday, at ni Jinkie Paglumotan, isang avid fan na tinulungan ng aktres nang ma-diagnose siya ng brain cancer.

Mapapanood ang special birthday episode para kay Juday sa Paano Kita Mapasasalamatan ngayong Sabado (Mayo 22), 7 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at ABS-CBN Entertainment Facebook page, iWantTFC, at TFC.

 

MARIO MAURER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with