^

Pang Movies

Sharon, sa Amerika muna!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sharon, sa Amerika muna!
Sharon

Ilang araw pa lamang si Megastar Sharon Cuneta sa Los Angeles, California, pero nakapagpabakuna na siya ng Moder­na vaccine, as per her Instagram post last Monday, May 17: Vaccinated! Got my first dose of Moderna Vaccine! Thank you so much Nurse Trixia!  Isa raw Filipino nurse doon si Trixia.

Ang maganda kay Sharon, mataas daw ang tolerance niya sa pain kaya halos hindi niya namalayan na naiturok na sa kanya ang bakuna. 

May mga nagtanong kung babalik ba muli siya sa States for the second dose, and she replied: “Am staying a while.”

Wish ni Sharon  na sana ay mabakunahan din ng Moderna vaccines ang mga anak niya. Puwede na raw kasi bakunahan doon ang 12 to 15 years old.

LOML, nasa Netflix na

Natuwa ang fans ni Ms. Coney Reyes nang i-post niya sa kanyang Instagram account na Love of My Life, streams on Netflix starting May 28.  #ThankYouLord”

Ang original series ay nagtatampok kina Ms. Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, and in very special role, versatile actor Tom Rodriguez. Sa direksyon naman ito ni Don Michael Perez.  Hindi ang Love of My Life ang unang Kapuso shows na ipinalabas sa Netflix Philippines. Nauna rito ang Descendants of the Sun Philippines at sinundan ng groundbreaking program na I Can See You.

Wendell, tatlo agad ang negosyo

Naghihintay pa si Wendell Ramos at ang cast ng Prima Donnas para sa book 2 ng top GMA Afternoon drama series, kaya ngayon ay may time harapin muna ng actor ang mga business na itinayo niya sa Cebu City, kasama ang wife niyang si Kukai Ramos.

Sa Instagram post ni Wendell pagdating sa Cebu, sinabi niyang ilo-launch niya at ng kanyang family ang mga negosyong itinayo nila roon.

Bale tatlo ang investments ni Wendell, ang WenDeli Meat House, na frozen products na ready to cook na tapa, tocino at iba pa ang ibinebenta nila, iFarm at nag-franchise din siya ng iFuel Gas Station. Sa Saturday, May 22, ang launch nito, sa City Sports Club in Cebu.

Kisses, sa probinsya na naglalagi

May fans ni Kisses Delavin na nagtatanong ng updates sa kanilang idolo, matapos na lumipat nga siya ng management from Star Magic to Triple A Agency na ngayon ay mina-manage ni director Michael Tuviera, matapos mag-resign ang dating president nito, si Rams David.

Pero ang balita namin, nasa kanila sa Masbate si Kisses at ipinagpapatuloy ang kanyang studies through online. 

An only child, mas gusto rin ng parents ni Kisses na doon na muna siya sa kanila, since wala rin namang trabaho sa Manila dahil nga sa umiiral na pandemic sa bansa.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with