_pang-masa
^
Beauty pageant fans, nawindang sa naging kapalaran ni Rabiya!
Cat at Pia

Beauty pageant fans, nawindang sa naging kapalaran ni Rabiya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

“We are proud of you and we love you.”

Ito ang mga katagang paulit-ulit na mababasa sa social media mula mismo kay Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Kapamilya stars bilang suporta sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa katatapos lang na 69th Miss Universe Competition, na inihatid ng ABS-CBN nang live sa A2Z.

Nagpasalamat Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Rabiya sa ipinakitang puso at dedikasyon sa naging laban, kung saan umabot hanggang Top 21 ang Miss Universe Philippines 2020.

Ani naman ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, hindi maipagkakaila na proud ang buong bansa dahil sa ipinakitang laban ni Rabiya.

Maging Kapamilya stars nagpaabot din ng suporta kay Rabiya. Kabilang na rito si Vice Ganda na isang pageant fan.

Nagpahayag din ng pagmamahal ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

“Pero sa totoo lang para sa akin mas nagagandahan ako sa’yo at ikaw ang #MissUniverse ko. Congratulations, Rabiya Mateo. Sobra kaming proud sa’yo.”

Trending topic din si Rabiya sa Twitter Philippines dahil sa matinding suporta ng mga kababayan sa 24-anyos na Ilongga.

Mula sa 74 na kandidata, si Andrea Meza ng Mexico ang tinanghal na Miss Universe 2020.

 Isa si Rabiya sa mga paboritong manalo matapos ang magandang ipinakita sa preliminary competition.

Samantala, sa mga gustong mapanood muli ang Miss Universe, may replay ito ngayong gabi sa A2Z ng 10:30 pm.

Samantala, Over acting ang ibang local beauty pageant fans. Over ang ginawang pagmumura sa social media lalo na sa YouTube.

As if may magaganap na pagbabago sa kanilang pagmumura matapos ngang mawindang sa naging resulta ng pageant.

Kung sabagay, super taas ang expectation ng lahat kay Rabiya dahil na rin sa hype and push ng mga nasa likod ng Miss Universe Philippines.

At makikita naman na ginawa niya ang lahat. Pero sadly, hindi naka-ariba si Rabiya.

Mabilis na natapos ang kanyang laban nang tawagin ang Top 10.

Hanggang Top 21 siya napasama.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with