_pang-masa
^
STAR, PSN at PM, nakaka-good vibes basahin

STAR, PSN at PM, nakaka-good vibes basahin

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

Kaloka iyon mga balita ngayon sa diyaryo ha. Pero in fairness sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa (PM) ang mga headline medyo may positive touch.

Like iyon balita na bumaba na ang covid-19 by 30 percent sa Metro Manila.

Dahil na rin siguro sa marami na ang vaccinated kaya ganun. Napansin ko na ‘di tulad ng ibang tabloids na medyo may pagkapapansin ang mga headline, sa PM at PSN parang broadsheet na maingat at hindi gory or pasabog ang headlines.

Iyon mga headline na batang na-rape at pinatay, iyon misis na pinatay ng asawa, senior citizen na itinumba, paggising mo sa umaga at ganun ang mga balitang mababasa mo sa gitna ng pandemic, parang adding salt to the wounds ‘di ba.

Hindi ko naman gusto na i-sugar coat natin mga nangyayari, pero sana dahil sa pandemic, iyon mga balita na sobrang gulantang ang dala sa atin, medyo itago na sa page 2. Para paggising mo, nandun pa rin ang hope na good day ito kahit pa nga pandemic.

Maganda pa rin, kahit financially affected ka. Laki rin ng epekto ng diyaryo sa tao, pag may nabasa kang maganda, gaganda na umaga mo, they set the tone for the day. Kaya nga, PhilStar, PSN at PM, iyan mga buy ninyong newspapers, para happy at totoong news.

AOS, hinahanapan ng new episodes

Ganda ng mga song number sa All Out Sunday.

Kaya nga lang parang gusto na rin ng mga manonood na sana may mga bagong episodes.

Kahit na once a month na live presentation mas maganda at puwede naman ingatan dahil walang live audience.

Siguro kahit mga star gusto rin magkita-kita sila kahit once a month. Ang mga singer na tulad nila Mark Bautista siguro sabik na sabik nang kumanta ng live kahit pa nga walang audience.

Sayang dahil every Sunday, nakasanayan na ng tao ang show, kahit pa nga replay ok na pero mas maganda sana na bigyan naman ng treat ang viewers na makapanood ng mga bagong episode.

Sayang iyon mga singer talaga tulad nila Mark kasi nga, gusto nila na mapakinggan kahit paano ang kanilang mga boses.

PILIPINO STAR NGAYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with