_pang-masa
^
John Lloyd, halos apat na taong nawala!
John Lloyd

John Lloyd, halos apat na taong nawala!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

Ngayong nasa pangangalaga na ng CAM si John Lloyd Cruz, si Maja Salvador na ang magre-represent sa actor sa mga darating na future projects nito.

Marami rin ang natutuwa na ibinalik ni John Lloyd ang kanyang clean-cut image na gustung-gusto sa kanya ng kanyang supporters.

Si John Lloyd ay humingi ng `indefinite leave of absence’ sa kanyang dating home studio, ang ABS-CBN’s Star Magic noong October 2017 para mamuhay nang pribado kasama ang kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang almost three years old son na si Elias Modesto (turning 3 on June 27) na si Ellen Adarna.

Ngayong ready na namang sumabak sa showbiz si John Lloyd matapos niya itong talikuran sa loob ng halos apat na taon, hindi malayong matuloy ang balik-tambalan nila ni Bea Alonzo maging ang pop superstar na si Sarah Geronimo.

Seve nina Toni at Paul, hinahanapan ng kapatid

Parehong singer ang ina at auntie ng almost five-year-old na si Seve (Severiano Elliott Gonzaga Soriano), ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Si Seve ay anak ng mag-asawang Paul Soriano at Toni  kaya hindi malayong may talent din sa singing ang bata.

Hindi rin maitatatwa na parehong nagmula sa showbiz royalty si Seve dahil great grandfather niya ang yumaong dating matinee idol na si Nestor de Villa at lolo naman niya ang TV commercial director na si Jeric Soriano. Pang third generation naman ang ama ni Seven na si Paul Soriano na isa ring  successful director and movie producer.  Of course, ina ni Seve ang singer-actress-host-producer na si Toni  at auntie naman niya ang nakababatang kapatid ng kanyang mommy na si Alex. Dahil nananalaytay sa genes ni Seve ang showbiz, hindi malayong pasukin din ito ng bagets pagdating ng araw.

Ngayong magpa-five years old na si Seve sa darating na September 30, kailangan kaya siya magkakaroon ng baby brother o baby sister?

Direk Darryl, hindi nababakante  

Walang dudang ang millennial writer-director na si Darryl Yap ang most in-demand writer-director sa kasalukuyan dahil sa kabi-kabila nilang projects sa bakuran ng Viva Films magmula nang ito’y makapaghatid ng kanyang first major hit noong 2019 na launching hit movie ni Kim Molina, ang Jowable na siya rin mismo ang sumulat.  Mula sa Jowable, agad naging sunud-sunod ang mga proyekto ni Direk Darryl sa kabila ng pandemya.

Ang pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar ang naging pambuena mano ng Vivamax streaming app noong nakaraang January 2021 na agad sinundan ng Tililing at ang rant serye na Kung Puwede Lang. Nakatakda namang ipalabas ngayong June 11 ang bago niyang movie project, ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na muling pinagbibidahan ng Jowable star na si Kim Molina kasama ang kanyang real life boyfriend na si Jerald Napoles. Waiting naman for release ang comeback movie ng megastar na si Sharon Cuneta sa bakuran ng Viva, ang Revirginized kung saan din tampok sina Marco Gumabao, Albert Martinez, Cristina Gonzalez at Rosanna Roces.

Nariyan din ang Gluta kung saan tampok sina Ella Cruz, Cristina Gonzalez at Arlene Muhlach. He is starting this month a new project. “Nagpapasalamat po ako una sa Diyos at pangalawa sa tiwala ni Boss Vic (Del Rosario) ng Viva,” pahayag ni Direk Darryl.

Out of the 17 materials na isininumite ni Direk Darryl sa Viva, 11 umano rito ang kinuha ng Viva na siya rin ang director.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with