^

Pang Movies

Sophie, pinilit lumakas nang ma-ICU ang anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sophie, pinilit lumakas nang ma-ICU ang anak
Sophie

Kinuwento ni Sophie Albert ang mga naging struggles niya sa pagiging isang bagong mommy. Naranasan na raw niya ang ma-depress dahil marami siyang hindi magawa dahil sa pagiging buntis niya.

“l did get depressed at some point when I was pregnant. My routine, like being able to work out, I was so active before I got pregnant, I couldn’t do that anymore. There were just so many things that I couldn’t do,” sey ni Sophie.

Noong ipanganak niya si Avianna noong March 15 via C-section, nagkaroon daw ito ng tubig sa baga kaya pinasok daw ito sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU). “It was a whole night na I couldn’t see her. So pinilit ko talaga to stand up and to be able to go down to the NICU. I was in so much pain. My BP went so low, I almost fainted. They had to carry me with the stretcher back to my bed,” kuwento ni Sophie.

Pero unti-unti raw nagpalakas si Sophie para sa anak nila ni Vin Abrenica. “I feel more empowered as a mom now. And we really try to make this whole parenthood journey fun. I feel so much love for her that I never thought I would feel for anyone. Even as I say it, parang naiiyak ako kasi I love her so much.”

JLO at Ben, nagkabalikan na

Sobrang kinilig aktres na si Jennifer Lawrence nang makarating sa kanya na nagkabalikan na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

Kabilang si J.Law sa nag-aabang sa Bennifer: Part 2.

Sa podcast na “Bitch Bible”, kinuwento ng Oscar winner ang kanyang excitement sa pag-develop ulit nila Ben at Jennifer.

“Breaking f–king news! Jennifer Lopez and Ben Affleck are back together. They’re in Montana. They are on vacation with each other right now,” kinikilig na pag-announce ni J.Law.

Hindi naman tinatago nila Ben at Jennifer na magkasama sila Montana for a weekend getaway. May dinaluhan din silang party doon at iisang sasakyan lang ang gamit nila.

No comment pa ang ex-fiance ni J.Lo na si Alex Rodriguez at ex-girlfriend ni Ben na si Ana de Armas sa pagbabalikan ng Bennifer.

Dalawang pelikula ang ginawa noon nila J.Lo at Ben. Ito ay ang Gigli noong 2003 at Jersey Girl noong 2004. 

Liezel at Pauline, nakabasag ng mamahaling lampshade

Dahil sa husay niya bilang kontrabida sa Babawiin Ko Ang Lahat, dream nang sundan ni Liezel Lopez ang yapak ng paborito niyang kontrabida na si Cherie Gil.

Hindi raw inaasahan nj Liezel na mapapansin ang pagiging kontrabida niya. Bumagay raw kasi sa kanya kaya ito na raw ang gusto niyang gawin. “Nakakatuwa po na makatanggap ng mga messages sa social media na gusto nila ang pag-api ko kay Pauline (Mendoza). Meron din na galit na galit sa akin. Pero okey lang po yon kasi umaarte lang po kami,” tawa ni Liezel.

Naging maingat daw si Liezel sa mga catfight nila ni Pauline sa teleserye. Sinasabihan niya raw si Pauline kung ano ang gagawin niya para hindi ito masaktan.

“There was one scene na sobrang nadala kami ni Pau. Ang nangyari ay nabasag namin ang mamahaling lampshade sa kuwarto kung saan kami nag-shoot. Hiyang/hiya kami ni Pau at sobra kaming nag-sorry sa nangyari. Since then, naging maingat na kami ni Pau. We make sure na wala kaming mababasag ulit.”

vuukle comment

SOPHIE ALBERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with