_pang-masa
^
Kathryn, iba ang hitsura sa throwback photo nila ni Marian!
Marian at Kathryn

Kathryn, iba ang hitsura sa throwback photo nila ni Marian!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Wheww, ibang-iba ang hitsura ni Kathryn Bernardo sa throwback photo nila ni Marian Rivera.

Iisipin mo tuloy na may pinaayos siya sa fez para mag-iba ang mukha niya.

Si Marian kasi parang the same pa rin naman ang face, as in ganun na ganun pa rin pero bakit si Kathryn nag-iba na.

Gumanap na young Marian si Kathryn sa GMA teleserye na Endless Love na after 11 years ay muling mapapanood sa GMA Telebabad.

Bida rin sa Philippine adaptation na ito ng hit Korean drama na Endless Love si Dingdong Dantes.

Rabiya dilaw na dilaw sa gown at swimsuit competition!

Sign na nga ba ang yellow gown ni Rabiya Mateo sa long gown competition ng Miss Universe 2020 na siya na ang susunod na makakapag-uwi ng korona after Pia Wurtzbach and Catriona Gray?

Kukumpleto ang nasabing color sa Philippine flag – blue gown ang suot ni Pia at red ang kay Catriona nang koronahang Miss Universe.

So ito na kayang yellow gown na ito ang magdadala kay Rabiya sa mga Miss U ng bansa?

Pero ang iba naman, ang interpretation ay dilawan si Rabiya kasi nga yellow din ang inirampa niyang two-piece swimsuit.

Compared sa ibang candidates, simple ang design ng yellow gown ni Rabiya.

Bukas ng umaga, Lunes, mapapanood sa A2Z ng ABS-CBN ang live telecast ng Miss Universe live from Hollywood.

At siyempre, asang-asa ang maraming Pinoy na si Rabiya na nga.

Sana nga ‘wag tayong madismaya at sana rin maging chill lang si Rabiya.

Kasi, kita na sa aura niya ang pressure na manalo siya.

Maja, hawak na si John Lloyd!

Si Maja Salvador na ang manager ni John Lloyd Cruz.

Actually, ‘yung management group with her boyfriend na si Rambo Nunez ang magha-handle.

So sa TV5 nga ba mapapanood si John Lloyd?

Hindi na shocking na ang management ni Maja ang magha-handle sa comeback ng actor.

Ang tanong, mapasikat pa kaya uli ni Maja ang aktor?

Hmmm. Parang si Maja nga may problem sa career niya ‘di ba.

KATHRYN BERNARDO MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with