_pang-masa
^

Coco ayaw pa ring tantanan ang probinsyano, may mga idadagdag na bagong character

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Wow, Salve A., akala ko ba mga ilang episode na lang at mamamaalam na sa himpapawid ang top pa rin at long-running action series na FPJ’s Ang Probinsyano, topbilled by Coco Martin.

How come may balitang two new talents, na, in fairness, parehong magaling, have been added to the cast?

These are Enzo Pineda at Paulo Angeles.

Well, nagtatanong lang.

Markki, binigyan ng trabaho ang mga dating kapamilya

How nice naman, Salve A., for singer-actor Markki Stroem, who is now more of an entrepreneur, as together with Wesley Que, ay nag-put up ng clothing store, na ang specialty ay high quality t-shirts.

Happily for the two, they are doing brisk business, as their t-shirts are kilala na abroad.

And the nicest about it all, Markki is able to employ some of those who he has worked with as a singer-actor, mostly employees ng Kapamilya, na nawalan ng trabaho, when the House of Congress disapproved na i-renew ang business/franchise ng ABS-CBN.

Karylle at Yael, ayaw pang ibuko ang gender ng anak

Halata na ang ‘tiyan’ ni Karylle, na at 40, finally is pregnant with her husband, fellow singer-composer, Yael Yuson, first child nila ito.

Seven years nang mag-asawa ang dalawa, as they got married March 21, 2014.

First apo ni Zsa Zsa Padilla ang ipanganganak ni Karylle, na 16 years old lang daw siya (Zsa Zsa) nang kanyang ipanganak.

Karylle’s dad is dentist Modesto Tatlonghari.

Ayaw pang i-reveal both nina Karylle at Yael ang gender ng kanilang first baby.

Which is their privilege naman, kung sabagay.

Elizabeth, challenging pa ang mga ginagampanang role

Grateful si Elizabeth Oropesa na sa kanyang edad ngayon, 66, magaganda at challenging pa rin ang mga role na ino-offer sa kanya at ginagampanan.

Like sa kanyang new series na ginagawa, Agimat ng Agila, siya, kumbaga, ang ‘ugat,’ kumbaga, kung bakit magakakaroon ng super power si Senator Bong Revilla sa kanyang papel bilang si Gabriel Labrador.

Hangang-hanga si Beth kay Sen. Bong, dahil hindi raw niya akalaing mabait at magaling itong aktor.

Tuloy daw, siya mismo ay nawiwiling panoorin ang Agimat ng Agila, na labis niyang pinanghihinayangang once a week niya lang mapapanood.

Saludo rin daw si Beth sa co-stars niyang sina Sanya Lopez, Michelle Dee at mga gumaganap na kontrabida na sina King Gutierrez, Allen Dizon, Benjie Paras at Edgar Allan Guzman. Plus Roy Vinzon, who plays the main kontrabida.

Direction: Rico Gutierrez.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with