_pang-masa
^
Concert ni Darren na naudlot, tuloy next month
Darren

Concert ni Darren na naudlot, tuloy next month

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Tulad ng Freedom virtual concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez last February  na postponed dahil na-expose ang misis ni Ogie Alcasid to someone tested positive sa COVID-19 at kailangan niyang mag-quarantine ng fourteen days, nangyari rin ito sa Home Run virtual concert ng 19-year-old Filipino-Canadian singer-actor na si Darren Espanto dahil na-expose rin siya sa isang taong nag-positibo sa virus.

Ang Home Run online concert ni Darren which was originally scheduled for May 30 at 8 p.m. with a rerun on May 31 at 10 a.m. ay mauurong to June 19 at 8 p.m. and a rerun on June 20 at 10 a.m dahil kinakailangan ng young singer-actor na siya’y mag-quarantine sa loob ng dalawang linggo.

The Voice Kids Philippines (1st season) first-runner up (to Lyca Gairanod) from Calgary, Canada is turning 20 on May 24.

Samantala, lahat ng mga nakabili na ng tickets para sa Home Run virtual concert ni Darren ay io-honor sa bagong date on June 20  at sa rerun on June 21 na mapapanood sa KTX.ph, TFCIPTV and iWant TFC.

Aktor na si Miko, naikasal na

Hindi man natuloy ang planned big wedding ng actor-businessman na si Miko Raval sa kanyang college sweetheart na si Kaira Dimatulac noong isang taon dahil sa COVID-19 pandemic, itinuloy nila ito noong nakaraang February 1, 2021 na ginanap sa Bella Rosa Gardens in Silang, Cavite.

Originally ay 200 ang nasa guest list ng mag-asawa pero dahil sa pandemic ay na short-list ito to just 50.

Miko and Kaira got engaged in South Korea on New Year’s day, January 1, 2020.

Although nabayaran na nila ang kanilang original venue for their wedding last year, naiba ito dahil nakakuha sila ng wedding package kung saan kasama na lahat ng chapel, wedding reception pati na mga rooms.

Although late bloomer si Miko pagdating sa kanyang showbiz career dahil nagsimula lamang siya noong nakaraang 2014 sa pamamagitan ng indie movie na Magnificence In A Bottle na sinundan ng Halik sa Hangin in 2015.  Kasama rin siya sa cast ng hit TV series ni Maja Salvador na Wildflower noong 2017 at The Killer Bride in 2019.

Although last February 1 pa lamang ikinasal ang mag-asawang Miko at Kaira, ready na rin ang mag-asawa na bumuo ng kanilang pamilya with a new addition to their family.

Osang, ‘di makalimutan ang regalo ni Mega

Although sa May 25 pa ang birthday ni Rosanna Roces, hindi nakalimot ang megastar na si Sharon Cuneta na padalhan siya ng mamahaling regalo bago ito nangibang bansa kamakailan lang na siya lamang mag-isa.  Pinadalhan ni Shawie si Osang (Rosanna) ng isang personalized Christian Dior bag na may pangalan mismo ni Osang. Hindi halos makapaniwala ang original TF Queen na magiging malapit niyang kaibigan si Mega magmula nang magkasama sila sa pelikulang Revirginized mula sa panulat at direksiyon ng millennial writer-director na si Darryl Yap at comeback movie ni Sharon sa bakuran ng Viva Films.

Kung si Osang ay pinadalhan ni Mega ng isang mamahaling personalized CD bag, isang mamahaling Louis Vuitton naman ang ipinadala ng misis ni Sen. Kiko Pangilinan kay Direk Darryl na sobra ring nagulat sa bait at generosity ni Sharon.

Ayon kay Osang, kahit matagal na silang magkakilala ni Sharon ay ngayon lamang daw sila naging malapit sa isa’t isa. At ang nakakatuwa pa, hindi nakalimutan ni Sharon ang kanyang birthday dahil nagpadala ito ng mamahaling regalo bago umalis.

DARREN ESPANTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with