_pang-masa
^
Sen. Manny namumulitika na raw gamit ang kape
Sen. Manny

Sen. Manny namumulitika na raw gamit ang kape

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 16, 2021 - 12:00am

Heto ang hitsura ng Manny Pacquiao Coffee na sinasabing isa sa mga patunay na tatakbong presidente si Senator Manny Pacquiao sa 2022 national election. Parang Kopiko Coffee ito, ‘yung brown variant at pinalitan lang ang pangalan at ginawang “Pacquiao” at may nakasulat pang “Kapeng Barako and Malunggay.”

Bukod sa apelyedo ni Sen. Manny, nakalagay rin sa sachet ang larawan ng senador. May mga natuwa sa mga nakakita, pero karamihan ang reaction, maaga raw namumulitika ang senador.

Sabagay, sinasabi na naman ni Manny na tatakbo siyang senador, nauuna na lang siguro siyang magparamdam.

Donna mas kinikilig pa sa asawa

Ang ganda-ganda naman ng portrait na ipinagawa ni Yong Larrazabal sa asawang si Donna Cruz na Mother’s Day gift ni Yong sa asawa. Kuhang-kuha ang magandang mukha ni Donna at binagayan pa ng magandang gown. Royalty na royalty ang dating ni Donna sa portrait.

Sobra ang pasasalamat ni Donna sa asawa sa regalo nito sa kanya at sabi, “Thank you so much, honey ko @yonglarrazabal! Kuhang-kuha ang galing ng pagkagawa... thank you for always making me feel special and loved! You and our kids are my greatest blessings and I am forever grateful and thankful to God for all of you! Marrying you was the best decision I have ever made and our children are our best gifts from God. I was truly born for you and to be the mom of our kids. Alam mo na ‘yan talaga pakiramdam ko. We’ve been married for almost 23 years and yet you still make me feel like how you made me feel “kilig” when we first met and even more pa nga now.. thank you hny! I love you #foreverandalways! I love our family so much, you all complete me! I am who I am because of you, our children and of course my parents. Thanks again hny ko-my first, my last, my strength, my everything, my forever!”

Willie, may bencab painting worth P45 million                              

Milyones palang talaga ang properties ni Willie Revillame, kaya bagay sa kanya ang tawag na “Celebrity millionaire” at walang kokontra rito dahil nakikita naman ng publiko.

Imagine, may painting siya ng National Artist na si BenCab na nagkakahalaga ng P45M. Naka-hang sa kanyang sala ang painting na may kalakihan at talaga namang maganda. Sa worth pa lang ng painting, puwede ka nang bumili ng bahay at may sobra pa na puwedeng ipambili ng mga luho mo.

Iyong yate naman ni Willie, worth P80M daw at kung pagsasamahin ang worth ng painting ni BenCab at yate, may P125M na si Willie, grabe!

Hindi na siya maghihirap, kasama ng kanyang pamilya at mga anak at puwede na siyang hindi magtrabaho.

But in fairness to him, hanggang ngayon, nagho-host pa rin siya ng Tutok to Win na ang objective ay makatulong sa mga nangangailangan.

 Inaabangan pa kung papasukin nga ba ni Willie ang pulitika dahil kinukumbinse siya ni President Rodrigo Duterte na tumakbong senador. Hintayin natin ang magiging desisyon ni Willie, sa October pa naman ang filing ng candidacy.

Panganay ni Nino Muhlach pumirma sa GMA

Mag-aartista na rin pala ang panganay ni Ni?o Muhlach na si Sandro Muhlach.

Ang GMA Artist Center ang magma-manage sa kanyang career. Dahil sinabing “GMA Artist Center welcomes Sandro Muhlach” ibig sabihin, pumirma na siya ng kontrata sa GMAAC.

Tama ba kaming si Sandro pa lang ang galing sa Muhlach family na sa GMA Network pumunta?

Kuya si Sandro ni Alonzo Muhlach, isa pang anak ni Ni?o na bata pa nagsimulang mag-artista, pero pahinga muna ngayon lalo’t pandemic.  

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with