_pang-masa
^
Rabiya, dumami ang followers, suot na costume sa NatCos 20 kls!
Rabiya

Rabiya, dumami ang followers, suot na costume sa NatCos 20 kls!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

Pumalo sa 1 million followers ang Instagram account ni Rabiya Mateo kahapon na nag-sorry matapos ngang hindi niya mairampa ang supposedly ay crown ng kanyang costume habang lumuluha. “I’m so sorry guys kung na-disappoint kayo sa akin. But I know I did best. I even caught my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo.

“But I kept fighting kahit wala nang oras to retouch my hair, to retouch my make-up. I was running for pins, scissors just to be able to execute the costume really well. Maraming salamat guys sa lahat kanina. But I really felt great. Feeling ko kanina habang naglalakad ako, I was so beautiful. Nakita ko yung sigawan ng mga Pilipino kaya nagpapasalamat talaga ako sa suporta ninyo,” dagdag nito sa IG live.

Sinabi pa niyang : “May malaking laban pa kaya sana ipagdasal ninyo kaming lahat na girls na ma-execute ‘yung pinaka-best performance na kaya namin. Our goal really is to maker our country proud. Sana maging proud din kayo sa akin. It’s never easy pero kinakaya ko talaga para sa inyo. Pero ang sarap ng feeling everybody kept cheering for me.”

Pahabol pa niya sa kanyang post na “Tonight was a good night. I had fun. That’s what really matters.”

Ang namayapang Pinoy designer na si Rocky Gathercole ang gumawa ng kanyang costume. Habang ang Bulacan-based jeweler Manny Halasan ang gumawa ng head accessory.

Pero ‘yun nga, naglabasan sa social media ang original cut ng nasabing costume. Obviously ay retouched ang version na ipinasuot kay Rabiya.

Ang sinasabing missing piece na sun-shape crown ay maluwag daw talaga kay Rabiya at nahuhulog kaya nag-decide na lang silang ‘wag na itong irampa.

Ayon nga kay Shamcey Supsup ng MUP, hindi na nila pinilit dahil mabigat na rin ang pakpak niya sa MU NatCos.

Anyway, nagsalita naman si Catriona Gray na hindi siya dapat mag-sorry pero nauna na siyang nag-trending ang former Miss Universe sa tweet na : “Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine and Vietnam were my Top 6 @missuniverse National Costumes Who were yours?”

Though bumawi ito sa IG story na “20++ KGS BUT @RABIYAMATEO CARRIED IT WITH SUCH STRENGTH.

“IF THIS IS AN INSIGHT TO HER LEVEL OF PERFORMANCE, SO EXCITED FOR PRELIMS!”

Pero ang ikinaloka ng iba, tinalbugan si Rabiya ni Miss Universe Cameroon Angele Kossinda sa costume na gawa ng Pinoy student from Isabela na inspired sa kanilang national animal.

Well-fitted pati ang headdress nito at bet siya ng maraming nakapanood sa MU NatCos. Naging comfortable rin ang pagrampa nito at walang issue.

Kaya ang apela ng ibang netizens, ibalik ang Filipiniana concept sa NatCos competition ng ating representative.

Samantala, meron namang mensahe ang ibang suot ng mga kandidatang costume.

Si Miss Singapore ay rumampang may message Stop Asian Hate, meron naman Pray for Myanmar ang kanilang representative.

Mga Pinoy ang designer ng ibang kandidata ng MU sa NatCos.

Baeksang awards sa Korea ng face to face na!

Face to face ang ginanap Baeksang Arts Awards sa Korea the other night.

Yup, puwede na sila ng ganun.

Samantalang dito sa Pilipinas, parang matagal pang magkakaroon ng showbiz event na face to face dahil may mga nagkakahawahan pa rin maging sa lock-in. At mataas pa rin ang nagpo-positive araw-araw.

Kabilang sina Song Joong-ki (Vincenzo) and Kim Soo-hyun  (It’s Okay to Not Be Okay) sa dumalo sa 57th Baeksang Arts Awards na inabangan maging ng Pinoy fans.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with