_pang-masa
^
Parang debutante...
Lolit

Parang debutante...

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

Noong pumunta tayo sa Korea, Salve, sa invitation ni Aileen Go ng MegaSoft at binigyan niya ako ng Japanese dinner at kinantahan ni Sandara Park ng Happy Birthday, akala ko iyon na ang pinaka-ultimate sa birthday celeb ko. Pero kinabog iyon ng bigay na birthday lunch ni Cris Roque ng Kamiseta Apparel at Skin Clinic.

Nagulat ako na inayusan ni Gideon Hermosa ang Sourdough na punung-puno ng flowers at para akong debutante sa glitters na silver and gold. Kaloka at talagang para gusto ko mag-cry dahil sobra akong touched sa gesture na ginawa ni Cris Roque.

Grabe, isang lunch with Pat-P, Salve, Gorgy, Ronite at Michelle, ang friend ni Cris, pero parang akala mo isang malaking event dahil nga sa styling na ginawa ni Gideon.

Bongga, sa edad na 74, parang bata akong may party. Hindi ko na-imagine na ganun pala tini-treasure ni Cris ang aming friendship.

I cannot be more grateful and thankful for the love, so kind, so sweet. I will not forget the love my dear, Cris, I cannot tell you how it melted my heart.

Talagang so memorable especially now na feeling ko nababawasan ang angels ko rito sa lupa. Talagang hindi ko ito malilimutan.

Thank you, forever grateful.

SANDARA PARK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with