_pang-masa
^

Mag-asawang celeb, iniimbestigahan kung hiwalay na talaga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

Napa-check tuloy kami sa Instagram accounts ng showbiz couple na inaakala ng netizens ay hiwalay na dahil hindi na raw tina-tag ng bawat isa ang isa’t isa lalo na ‘pag nagpo-post sila ng photos ng kanilang baby boy.

Hindi na rin daw binati ng aktor ang misis niyang aktres noong Valentine’s Day at hindi na rin sila nagpo-post ng photos nilang magkasama. Puro pictures raw ng aktres with their son and photos of the actor with their son ang kanilang pino-post.

Una naming tsinek ang IG ng aktres at wala nga kaming nakitang latest photo nila ng asawang aktor. Ang last posted picture ng aktres na magkasama sila ay March 2020 pa. Kundi solo ang aktres sa mga larawan, kasama nito ang anak.

Pumunta naman kami sa IG ng aktor and in fairness, may pinost siyang larawan ng kanyang mag-ina noong Mother’s Day at binati pa ng Happy Mother’s Day ang asawa. Mas marami nga lang photos ng kanyang anak sa IG ng aktor.

Nakita rin namin sa background ng isa sa latest posted picture ng aktor kasama ang anak na nasa bahay nila sila.

So, mali ang iniisip ng netizens na wala na sa kanilang bahay ang aktor.

Baka naman hindi lang nakakapag-post ng new photos ang aktor dahil nasa lock-in taping ito ngayon at kaya sinasabi ng netizens na baka hiwalay na sila ng aktres.

Naku, isa kami sa mga reporter na nasabihan ng aktor na sobrang crush niya ang aktres na asawa niya ngayon.

Isa rin kami sa mga reporter na malulungkot kapag naghiwalay ang showbiz couple na ito.

Ang ganda ng kanilang love story, sa press unang ipinaalam ng aktor na crush at love niya ang aktres at kabilang din ang mga reporter sa unang inaminan ng aktres na sinagot na niya ang aktor.

Tapos, maghihiwalay lang? Huwag naman, kabilang talaga kami sa malulungkot.

Tom, negative na sa COVID

Ang good news ni Tom Rodriguez na negative na siya sa COVID na ipinagpasalamat ng mga nagmamahal sa kanya, mga kaibigan at fans nila ng fiancee niyang si Carla Abellana.

Pinost ni Tom sa Instagram ang magandang balita, “Thank you @urbanessencemed for the affordable home service RT-PCR test! Finally! After 2 positive RT-PCR tests 14 days apart, I am now officially NEGATIVE of COVID.”

Kabilang sa mga nag-message kay Tom at nagpasalamat sa kanyang pagga­ling ay si Coney Reyes na gumanap na ina ni Tom sa Love Of My Life at naging close kay Tom. Para ngang anak ang turing ni Coney kay Tom at tiyak nag-worry din ito sa pagiging COVID positive ni Tom.

And speaking of Tom, kahit ilang weeks lang ang karakter niya sa Love Of My Life, siguradong masaya ito na ma-i-stream sa Netflix ang nasabing teleserye simula sa May 28. Maganda ang story at mahuhusay ang cast nito na bukod kina Tom at Coney, kasama rin sina Carla at Rhian Ramos.

Rabiya, nag-sorry sa ginawa

Naging emotional si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo nang mag-sorry sa kanyang fans na na-disappoint sa performance niya sa national costume competition ng Miss Universe. “I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin. But I know na I did my best, I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo. But I kept fighting,” sabi nito.

Dagdag pa ni Rabiya, “Kahit wala nang oras, I didn’t have time to retouch my hair, to retouch my makeup. I was running for pins, I was running for scissors, for everything, just to be able to execute the costume really well.”

Ganu’n pa man, umiyak pa rin si Rabiya nang mabasa ang mga puna sa kanya sa social media pagkatapos niyang rumampa sa Miss Universe National Costume competition.

VALENTINE’S DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with