_pang-masa
^
Pelikula ni Nora, nakabitin pa rin ang showing
Nora

Pelikula ni Nora, nakabitin pa rin ang showing

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

Masaya ang darating na araw na May 21, birthday ni Superstar Nora Aunor.

Masaya ang fee­ling ng Noranians kahit walang bonggang ce­lebration katulad noong araw. Sino pa nga ba ang magse-celebrate ngayon na nakaabang na ang mapamintas at maninirang hindi kuno sumusunod sa safety protocols.

Naku ano ba ‘yang protocol na ‘yan. Ang tagal-tagal na parang ayaw na yatang palayasin pa ang COVID dahil maraming nagkakapera.

At ang masaklap, pakonti-konti ang labas ng bakuna. Binibitin-bitin.

Hindi naman kaya paabutin pa ‘yan sa eleksiyon?

Kaya naman nakabitin pa rin ang sayang nadarama sa birthday gift sana kay Guy na isang pelikula.

Mukha ring wala pang sinehang balak magbukas, tiyak kasing pipigilan na naman dahil kailangang sundin ang health protocols.

Well, wait na lang palabasin ang movie ni Nora sa telebisyon or sa YouTube. Wala ka namang choice kundi ang sumunod, ‘di po ba?

Sunshine, bored na!

Hindi dapat pintasan si Sunshine Dizon kung sakali mang lumipat sa Kapamilya.

Twenty years na rin namang nasa bakuran ng Kapuso si Sunshine, gusto naman makatikim ng ibang putahe ng acting sa Dos. Sa GMA kasi pulos sampalan, laitan, awayan, kaliwaan at agawan ng lalake ang mga paulit-ulit na tema ng teleserye. Gusto namang umarte ni Sunshine na may ibang tema, kumbaga, sa sayaw, boring na ang paulit-ulit na steps.

Oo nga naman, maiba-iba naman.

Gusto rin niyang makapareha si Piolo Pascual. Wow, bagay nga sila dahil pareho silang magaling umarte.

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with