_pang-masa
^

Mga rom-com, mas gustong panoorin ng mga naka-quarantine!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

Masaya ang bumubuo ng cast ng romantic-comedy series na Owe My Love, na tampok sina Lovi Poe, Benjamin Alves, AiAi delas Alas, Jackie Lou Blanco, Leo Martinez at marami pang iba, dahil very positive ang feedback na natatanggap nila gabi-gabi tungkol sa show. Akala raw kasi nila, mas gusto ng televiewers na dramatic soaps ang panoorin sa gabi, pero dahil sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon, mas gusto pala nila ang shows na makapagpapatawa at magpapasaya sa kanila.

Kaya nga, after ng 24 Oras, mapapansin na pawang romantic-comedy series ang napapanood sa GMA Telebabad, ang First Yaya, Heartful Café at Owe My Love, na malapit na ring magwakas.

After the teleserye, haharapin naman ni Benjamin ang online flower business na itinayo nila ng girlfriend na si Chelsea Robato, called House of Roses na puwede kang mag-order ng fabulous arrangements of beautiful Ecuadorian roses for any special occasion. 

Ang mommy ni Ben ay dati ring may flower business sa Guam at siya ang tumutulong sa kanila sa pagpapatakbo nila ng kanilang business dito. Sa mga interesadong mag-order, you can contact House of Roses on Instagram or Facebook.

Julie Anne at Barbie, mag-aagawan kay David

Ikinatutuwa pala ng fans ng Kapuso stars na napapanood nila sa romantic-comedy na Heartful Café na naggi-guest ang kanilang paboritong love teams. 

Ang romcom ay nagtatampok kina Julie Anne San Jose at David Licauco na magka-partner sa coffee shop nila they called Heartful Cafe.

Bukod sa masarap na kape, kaya ni Heart (Julie Anne) na mag-match ng mga kaibigan niya tulad ng ginawa niya sa guests nila last week, sina Kate Valdez at Migo Adecer (na last TV appearance nito dahil bumalik na siya sa kanila sa Australia).

This week pumasok na ang love team nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Si Barbie sa story ay real girlfriend ni Ace (David) na nasa abroad at malaki ang tampo sa boyfriend dahil mas inuuna nito ang coffee shop kaysa kanya. Babalik siya ng bansa, magkaroon kaya sina Barbie at Julie Anne ng ‘di pagkakasundo dahil kay Ace?

Ang Heartful Café ay napapanood gabi-gabi after ng First Yaya sa GMA 7.

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with