_pang-masa
^

Magang-maga rin ang mukha at boobs Aktres, naka-downer daw nang sumabak sa hosting job!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Gulat na gulat ang mga nakakita sa isang aktres.

Ang rason, magang-maga raw ang pisngi at boobs ni aktres.

As in hindi nila in-expect na ganun siya ngayon dahil parang sa mga post naman niya sa social media, pumayat na ito.

At nang sumabak na raw on cam, mas nagulantang sila dahil ang slow nitong pumik-up.

Buti na lang na lang daw ay sinasalo siya ng mga naging co-host niya.

Nagulat daw sila dahil parang hindi naman ganun si aktres, pero talagang hindi raw maka-adjust ang actress sa mga co-host.

Feeling ng mga nakasama nitong staff, naka-downer ito kaya ganun as in nakagamot, parang kulang ang energy at ang bagal ng reaction sa batuhan ng banter.

Anyway, sayang naman kung tumaba na uli siya eh sa mga pos­ting niya sa social media, sobrang ang laki ng ibinawas ng timbang niya.

Manalo kaya?

Venezuelan nakikita kay Rabiya sina Megan at Pia!

Dama na nga ang Miss U fever dahil sa mainit na suporta ng Pinoy para sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe Competition na ihahatid ng ABS-CBN nang live sa A2Z sa Mayo 17, 8 am.

Sa Hard Rock Hotel sa Amerika ito gaganapin, ipinapakita ng pageant fans ang suporta nila sa kanilang mga manok, kabilang na ang Pinoy fan na si Jan Quijano na matiyagang nag-aabang kay Rabiya Mateo sa hotel lobby. Bawat rampa ni Rabiya saang sulok ng hotel, nakukunan niya.

Kuwento ni Quijano kay MJ Felipe para sa TV Patrol, first time niyang magbuhos ng suporta para sa isang pageant queen at na-starstruck ito noong makita na si Rabiya.

Dagdag pa niya, “According to the Venezuelan fans, Rabiya is like a combo. A combination of Megan Young and Pia Wurtzbach at nafe-feel nila ‘yung 2015 edition. ‘Yung ang daming magaganda, pero may lilitaw at lilitaw na isa.”

Samantala, pasabog din ang inaabangang national costume ni Rabiya dahil ang ‘missing piece’ nito na bitbit ni Miss Universe Phi­lippines national director Shamcey Supsup ay isang alay sa namayapang Pinoy designer na si Rocky Gathercole.

Ito raw ang huling project na ginawa ng designer bago pumanaw. “Noong nakita ko it’s like, fly high Philippines,” iyan ang matipid na pahayag ni Miss Universe Philippines creative and events director, Jonas Gaffud.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with