_pang-masa
^
Alden, mas nagiging yummy habang tumatanda
Alden

Alden, mas nagiging yummy habang tumatanda

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

‘Pag napapanood ko sa TV si Alden Richards, parang lalo yata siyang nagiging yummy. Meron nga sigurong mga tao na habang tumatanda, lalo pang nadadagdagan ang appeal at nagiging mas may character ang mukha.

Ganun ang charms nina Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez at ni Rudy Fernandez. ‘Yung nagkaroon ng mas macho appeal nang tumanda na sila, dahil noong mga bata pa sila, ibang charms ang dala nila. Ganun ang quality ng pagiging guwapo ni Alden. Habang tumatanda, lalo pang nagiging mas defined ang facial features niya.

Hindi kataka-taka na heto, habang tumatagal lalo pang dumarami ang followers niya. Suwerte talaga dahil hindi tulad ng iba na ‘pag tumatanda, nababawasan ang appeal, si Alden lalo pang nadadagdagan. Parang ang paborito kong si Jo In-sung, lalo pang naging pogi nang maging 40, dahil ibang-iba ang dating ng presence niya nang tumanda.

Hay bongga, si Jo In-sung ang naalala ko kay Alden ha, sino kaya naalala nina Rose Garcia at Vinia Vivar kay Lee Seung-gi? Hah hah hah, talagang Korean na ang comparison, hindi na Hollywood actors, ganun na ang tindi ng Korean fever.

Julie Anne, kayang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta

Maganda naman ang resulta ng serye kung saan kasali si Julie Anne San Jose, at hinihintay na rin ang pag-uumpisa ng serye ni Ruru Madrid.

Maganda ang pag-aalaga sa kanilang dalawa ng GMA Artists Center lalo pa nga at mga home-grown talents silang dalawa. Kumbaga, parang Alden na talagang mula’t sapul, GMA 7 na lumaki.

Isang good singer si Julie Anne at dagdag premium sa kanya ang paggawa ng serye at ipakitang puwede siyang umarte. Si Ruru naman mahusay ding kumanta kaya dagdag din sa talent niya na aside from acting, nakakasayaw at kanta siya.

‘Yung serye ngayon ni Julie Anne, maganda ang resulta, at so far lahat ng sinalihan ni Ruru, ok din. Pero dahil sa Lolong, talagang siya ang bida, dapat lalo niyang ipakita na kaya niyang magdala ng serye. Gaya ng Heartful Cafe ni Julie Anne, dapat ding makita na meron siyang audience.

Hoping for the best sa dalawa, dahil parehong professional at mabait, gusto naming makita na on top of the line sila. With the help of GMA 7, tiyak na magagawa nila ito.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with