_pang-masa
^
Mayor Isko, mas gusto uling maging mayor
Mayor Isko

Mayor Isko, mas gusto uling maging mayor

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Based sa interview with Manila Mayor Isko Moreno, yes, sa documentary program na Tunay Na Buhay, hosted by Pia Arcangel, wala raw siyang balak tumakbo for a higher office in the election 2022.

Posibleng mas type ni Mayor Isko to run for reelection, na malaki nga ang tsansang manalo siyang muli.

On the part ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, it’s a done deal na na pagiging pangulo, no less, ng Pilipinas ang kanyang pinupuntirya.

Samantala, nasa waiting list, kumbaga, ang pagtakbo bilang pangulo ni former Senator Antonio Trillanes, as he would only run daw for the no. 1 office ng bansa, kung hindi kakandidato si Vice President Leni Robredo bilang kapalit ni President Digong Duterte.

As of the moment, mas prefer daw – daw, ha – ni Vice Leni na tumakbo for Governor ng Camarines Sur, where we, too, believe she will be a sure winner.

Vice Leni, a lawyer by profession, is from Naga City.

2 beteranang aktres, may Alzheimer’s disease na

Don’t look now, Salve A., but two actresses, now both in their mid-80s, very popular in their time and considered two of the prettiest, too, are reportedly now both affiliated with Alzheimer’s disease.

Although they have sometimes their ‘sane’ moments pa rin.

Luckily for them, they have the resources, so to speak, kaya nanatiling maganda ang kanilang buhay.

Add to this the fact, na magaganda ang hanapbuhay, lalo’t ng kani-kanilang anak at apo.

One them daw ay nagbilin na that she would want to look her best sa wedding ng kanyang apo.

Clue: artista ang apo at artista rin ang mapapangasawa.

Cherie, ‘di nakakalimutang dalawin ng mga anak

Pawang magaganda at stable ang buhay ng mga anak ni Cherie Gil, one of whom, si Jeremiah or Jay has for his dad, Leo Martinez, na ulyanin ang role sa kasalukuyang top series, Owe My Love on GMA 7.

With Cherie’s marriage to international Israeli violinist and conductor, Rony Rogoff, may dalawang anak si Cherie, sina Raphael at Bianca.

Bagama’t nakatira ang magkapatid na Raphael at Bianca with their dad sa Israel, sa Amerika sila nag-aral.

Madalas nilang dalawin dito sa Pilipinas si Cherie, na hindi pa rin tumitigil sa pag-aartista.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with