_pang-masa
^
Carla, nilinaw ang wedding bann
Carla

Carla, nilinaw ang wedding bann

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Hindi pa man inaanunsyo ng engaged showbiz couple na sina Tom Rodriguez and Carla Abellana ang date ng kanilang kasal, nalaman na agad ito ng mga tao dahil sa wedding bann na ipinost last Wednesday ng isang simbahan sa Talisay, Batangas.

Sa Facebook account ng San Guillermo Parish Church ay naka-post ang wedding bann nina Tom and Carla kung saan ay nakalagay ang detalye ng kasal pati na ng ikakasal.

Pinag-usapan agad ang nasabing post at na-pick-up na ng iba’t ibang fans and news websites.

Sa kanyang Instagram page ay nag-release agad ng paglilinaw si Carla hinggil dito. Aniya ay requirement daw talaga ang wedding bann sa mga Catholic churches. “Hello everyone! A WEDDING BANN is a Church requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a wedding permit,” ang pahayag ni Carla sa kanyang IG Story.

Inilagay din niya sa ibaba ang definition ng wedding bann mula sa encyclopedia at sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Bea suportado ang bagong manager ni John Lloyd

Si Maja Salvador na ba ang bagong manager ni John Lloyd Cruz? Ito ang tanong sa showbiz ngayon matapos mag-post ang aktres ng teaser ng bagong talent ng Crown Artist Management, ang kanyang bagong tatag na talent agency.

Sa teaser na ipinost ni Maja sa kanyang IG ay makikita ang isang eroplano na bagong lapag at sa loob ay sakay ang isang lalaki. Hindi ipinakita ang buong mukha ng guy at chin lang nito ang nakita. Pero sa chin pa lang ay makikita na agad na parang si John Lloyd ito.

May hashtag na #TheCambackIsReal ang caption ni Maja at nakalagay din ito sa teaser. Sa dulo ng video ay nakalagay din ang logo ng Crown Artist Management.

Sa comment section ay halos iisa ang hula ng lahat na si Lloydie ang guy. Naka­dagdag pa ang komento ni Bea Alonzo na lalong nagpatibay ang hinala ng lahat.

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na announcements. Kung talagang nakuha ni Maja si Lloydie, it will be a big boost sa kanyang nagsisimulang talent agency.

CARLA ABELLANA TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with