_pang-masa
^
Ruffa itutuloy na ang pagkokolehiyo para sa mga anak!
Ruffa

Ruffa itutuloy na ang pagkokolehiyo para sa mga anak!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Gustong maging ehemplo ni Ruffa Gutierrez sa mga anak na sina Lorin at Venice ang pagpasok niyang muli sa school.

Ipinabatid ni Ruffa sa publiko via her Twitter ang pag-enroll niya sa Philippine Women’s University ng kursong Bachelor of Arts major in Communication Arts. Sa ilalim ito ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Matapos ang 34 taong nagtatrabaho sa showbiz, rason ni Rufing, “I have chosen to further my education. Not only do I want to fulfill a long-held dream and take control of the next chapter of my life, I want to set a good example for my children.”

Dagdag niya, “You’re never too old to chase your dreams. I hope you can support me in my new journey. #AcademicLife.”

Teenager siya nang pasukin ang showbiz at marami na ring pinagdaanan sa buhay.  Sabi nga, walang matanda sa gustong makapag-aral.

G lang, Ruffa! Super proud tiyak ang dalawa mong anak sa pagbabalik-eskuwela mo!

Dennis at Jennylyn, kasal na lang ang kailangan

Dencio nag tawag ni Marian Rivera kay Dennis Trillo. Isa si Yan sa bumati kay Dennis sa kaarawan nito sa Instagram post ng GF niyang si Jennylyn Mercado na magkasama sila.

Talent si Dennis ng dating mana­ger na si Popoy Caritativo. Nagkaroon man ng tampuhan noon sina Marian at Popoy, hindi naman nadamay si Dennis sa issue ng dalawa.

Sa totoo lang, ang pagbabalik-ibigan nina Dennis at Jennylyn ang patunay na mayroong second chance ang pag-ibig.

Nagkahiwalay noon pero nagkabalikan. Sa totoo lang, kasal na lang ang kulang kina Dennis at Jennylyn, huh!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with