_pang-masa
^

Aktor na dala ang ­pagiging lasenggo sa lock-in, sinibak sa serye

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

Naging pasaway ang aktor na ito sa taping nang malamang last teleserye na niya sa isang network dahil naging pasaway nga at hindi sumunod sa rules na pinairal sa taping. Halimbawa na lang, sinabihan ang cast na bawal uminom lalo na ang maglasing sa lock-in taping.

Ang aktor, gumagawa ng paraan na makakuha ng alak sa hotel kung saan naka-billet ang cast. Siyempre dahil umiinom, nalalasing siya at kapag nasobrahan na, nag-iingay. Kinabukasan na nito nalalaman ang mga pinaggagawa niya the night before.

Ilang linggo ring tinolerate ng production ang pagiging pasaway ng aktor dahil siguro importante ang role niya sa telerserye. Bukod doon, marami nang eksena ang nakunan sa kanya at parang late na kung papalitan pa siya.

Dumating sa puntong hindi na ma-take ng production ang pagiging pasaway ng aktor at inalis na lang siya sa cast. Mahusay ang writers ng serye at nagawan ng paraan na maalis ang karakter ng actor na hindi magsa-suffer ang takbo ng story.

Ang aktor, para siguro makaganti sa ginawang pagtanggal ng kanyang karakter, gumawa pa ng ikinagalit ng production. Nag-order siya ng beer, babaunin daw niya sa biyahe pabalik ng Manila. Ang kaso, hindi niya binayaran ang beer at ang inutusan na kasama sa production ang napilitang magbayad dahil wala na siya

Maja, iha-handle si John Lloyd

Ano kaya ang masasabi ng Star Magic at ABS-CBN sa balitang ang Crown Artist Management na ng magdyowang Maja Salvador at Rambo Nuñez ang magma-manage ng career ni John Lloyd Cruz?

Naglabas ng short video clip sa Facebook page ng Crown Artist Management ng isang aktor na kahit hindi ipinakita ang buong mukha at chin lang nito ang makikita, alam na agad na si John Lloyd ang tinutukoy sa hashtag na “#TheCAMbackIsReal.”

Hintayin na lang natin ang formal announcement at pagpapakilala kay John Lloyd bilang isa sa mga talent ng bagong tatag na management group.

Kabilang na sa talent nila sina Lauren Reid na sister ni James Reid, ang fashion designer na si Patty Ang, at si director Gino Santos.

Ang wish ng fans ni John Lloyd, matulungan nina Maja at Rambo na mu­ling sumigla ang career ni John Lloyd at hindi ito mahirap dahil marami siyang fans na handang sumuporta sa kanya at may dalawa yatang pelikula na natapos na.

AiAi, niligawan si Willie para kumita

Hindi na pala matutuloy lumipad pa-Amerika si AiAi delas Alas para sana magpa-vaccine. In-announce ito ng komedyana nang mag-guest co-host uli sa Wowowin. Saka, pinayuhan siya ni Willie Revillame na dito na lang magpabakuna dahil marami namang dumating at darating pang bakuna.

Sa isang interview kasi, nabanggit ni AiAi na dahil green card holder naman siya, sa Amerika na lang siya magpapabakuna kesa makipag-unahan pa sa frontliners at senior citizens na inuunang bakunahan.

Nahihiya rin daw siyang gamitin ang pagka-celebrity para ma-prioritize mabakunahan. Para hindi na siya problemahin ng gobyerno, sa Amerika na lang siya magpapabakuna at hindi na niya kailangang maghintay ng matagal.

Pero sa interview kay AiAi ni Willie Revilla sa Tutok to Win, hindi na raw sya lilipad pa-Amerika, maghihintay na lang daw siyang mapabakunahan dito sa bansa. Habang naghihintay mabakunahan, nag-apply si AiAi na co-host ni Willie sa nasabing programa at nakatatawa ang audition nito bilang host.

Inamin ni AiAi na kailangan niya ng project dahil magtatapos na ang Owe My Love at ang maging co-host ni Willie ang trabahong ginusto. Medyo matatagalan pa ang airing ng The Clash Season 4 kung saan, isa siya sa mga judge.

Hintayin natin kung gagawing permanent co-host ni Willie si AiAi na ang sabi, kahit forever na siyang gawing co-host ni Willie ay okay sa kanya. Ang problema ni Willie, paano raw kapag may lock-in taping si AiAi?

Christian, mabilis umoo sa online musical serye

Emotional si Christian Bautista na mapili na lead actor sa Still, isang online musical series at original ng Viu na Hongkong-based video streaming provider. Kuwento ni Christian, nag-yes na agad siya sa audition kahit hindi pa niya masyadong alam kung para saan ang audition.

Dagdag na kuwento nito, sa rehearsal, naiiyak siya at maraming katanungan na sinagot ng kanyang isip. Pangako nito, “Whatever we will create in there, we will make sure it will move you.”

Makakasama ni Christian at kapareha si Julie Anne San Jose at makakasama rin nila sina Bituin Escalante, Gab Pangilinan, Abe Autea, Lance Reblando, Mike Shimamoto at Gabby Padilla.

MAJA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with