_pang-masa
^
Showbiz Community Pantry, may part 2!

Showbiz Community Pantry, may part 2!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

Sobrang saya ko, Salve. Hindi ko akalain na ‘yung first Showbiz Community Pantry natin ay magiging very successful. Totoong napakarami pa ring nagmamahal sa showbiz writers na alam ng mga taga-industriya na affected ng pandemic.

Sa tulong nina Cristy Fermin, Jun, Salve, Gorgy Rula, kahit paano ay napapasaya natin ang mga kaibigan nating writers. ‘Yung pagtulong nina Bong Revilla, Alfred at PM Vargas, at ang very generous na si Rhea Tan ng Beautederm, naging malaking bagay para sa ating first pantry.

Now, kusang loob, dalawa sa lagi na merong magandang puso sa mga manunulat, sina Willie Revillame at Cong. Niña Taduran ay nag-alok para magkaroon ng 2nd Showbiz Community Pantry. Alam ng lahat na si Cong. Niña Taduran ay hindi nagbago kahit pa nga ngayon ay isa na siyang congresswoman. Kitang-kita mo talaga ang pagmamahal niya sa writers, ‘yung buong puso niyang pagtulong.

Si Willie naman, ever since takbuhan ng mga taga-showbiz na kailangan ang tulong, bukas-palad at ang puso ay laging malambot para sa writers.

Gusto ko nga na ngayon pa lang i-endorse na sina Willie at Niña sa Darling of the Press, BFF ng Press, sa Isah V. Red Awards dahil talagang alam mo na buong puso ang pagtulong nila.

Talagang mai-in love ka sa kanilang dalawa sa lagi nilang pagbibigay sa alam nila na affected ng pandemya na mga manunulat. ‘Yung kahit konting biyaya na matanggap nila ay malaking bagay na. ‘Yung saya na iyon na makikita mo sa kanilang mga mata. Wow, talagang it will make your day.

Nangakong magbibigay ng bigas sina Mommy Roulette at Weng, at siyempre sa secret supermarket ni Cristy ang kanyang famous sitserya. Sina Jun, Gorgy at sana hindi lang dahil sa isang case ng beer magtutulung-tulong para maayos na   mairaos ang pantry.

In charge ngayon si Salve sa pagbili ng laman ng loot bag dahil gusto niya may konting twist ang mga laman, hindi the usual loot bag ng mga pantry.

Bongga na naman ito, mukhang master na namin ang pag-aayos ng pantry at magiging specialty na namin. Hah hah, wish ko maging mas malaki ito sa Christmas, ‘yung medyo bongga, para sumaya naman ang mga kapatid sa panulat sa darating na Pasko, ie-exert namin ni Cristy lahat ng effort, promise.

Kaya tandaan, Take It... Per Minute, Me Ganun!, hanggang Pasko para kahit ‘yung mga harbat namin sa show, ishe-share namin sa showbiz writers na mahal namin talaga. Dahil mahal n’yo kami, mahal din namin kayo noh! Enjoy natin ang small things na puwede nating gawin, 2nd Showbiz Pantry na, sana umabot ng matagal, kahit walang pandemic, gawin natin lagi, sharing lang. Bongga!!

COMMUNITY PANTRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with