_pang-masa
^
Donny at Belle, malaki ang deperensya sa height!
Donny at Belle

Donny at Belle, malaki ang deperensya sa height!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

Who cares, Salve A., kung sobrang matangkad si Donny Pangilinan sa kanyang bagong leading lady, via the series, He’s Into Her, Belle Mariano.

A six-footer, towering nga naman ang height ni Donny, as Belle is only 5’2”.

But one thing cannot be denied, anang kanilang director na si Chad Vidanes. Bagay silang dalawa at pareho silang mahusay.

Donny has but one film to his fame, Walwal. Samantala, si Belle ay dating child actress na napapanood sa Goin’ Bulilit. “I was only nine at that time,” ani Belle, na huling napanood, well, ngayong malaki na siya (she will turn 19 on June 10), sa Four Sisters Before The Wedding.

Twenty-three years old naman si Donny, na nag-aral hanggang high school, sa International Academy. Donny’s parents are actress Maricel Laxa and financial adviser, Anthony Pangilinan. Lola niya ang dating aktres na si Imelda Ilanan.

Of Chad, na bukod sa director ay nagpu-produce na rin ng pelikula, parents niya sina Cory Vidanes, isa sa top gun ng ABS-CBN at Bobet Vidanes, na dating director ng popular noontime show, It’s Showtime.

Direk Bobet, as is common knowledge, is now with TV5.

Their height difference notwithstanding, saludo raw sa performance nina Donny at Belle si direk Chad. He will gladly work with them again, ani pa niya.

Naka-schedule sa iWantTFC on May 28 ang streaming nito, two days bago ang premiere ng He’s Into Her, yes, on May 30, all the members of the cast will be present, meaning, aside from Donny at Belle, manonood din sina Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Rhys Eugenio, Joao Constancia, among others, na gumaganap din ng mga importanteng papel sa show.

In the May 30 event, He’s Into Her, ay naka-schedule mapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at sa Kapamilya Online Live.

Cong. Vilma, may pangako sa magiging apo

Between sa mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, mas eager si Congresswoman ng Lipa City, Vilma Santos-Recto, na magkaanak na ang dalawa.

At may pangako na siya this early, hindi raw siya magiging spoiler na lola. Ipapaubaya raw niya both kina Luis at Jessy ang pagpapalaki sa bata. Tulad daw ng ginawa nilang pagpapalaki nina Senator Ralph Recto sa kanilang only son na si Ryan Christian.

In the case nga kasi ni Luis, tanging siya lang ang nagpalaki sa panganay, as it is common knowledge na bata pa si Luis nang maghiwalay sila ni Edu Manzano. Na isang good father daw naman kay Luis, in fairness.

Sharon, iniisyuhan sa paglipad sa Amerika

Hoy, Salve A., alamin mo nga kung bakit biglaan ang naging pag-alis ni Sharon Cuneta patungong US daw. Sana, hindi totoong may salimuot na diumano’y namamagitan sa kanila ng kanyang senator-husband na si Francis Pangilinan.

Sa totoo lang, isa sa mabait na senador na kilala naming si Senator Francis.

DONNY PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with