_pang-masa
^
KC, binilinang magpa-vaxx si Sharon
KC

KC, binilinang magpa-vaxx si Sharon

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 13, 2021 - 12:00am

Lumipad patungong USA si Sharon Cuneta last Tuesday at iniwan muna pansamantala ang kanyang pamilya sa Pinas. Ipinaalam niya ang kanyang pag-alis sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

Makikita sa larawang ipinost niya na nasa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) complete with safety gears.

Sa sumunod na mga larawang ipinost Shawie ay makikita naman ang malungkot na pamamaalam nila ng asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel and Miguel. “Praying and saying bye to my family,” caption ni Megastar.

Kahapon, sa latest post ni Sharon ay nakarating na siya sa US. Nag-upload siya ng larawan nila ng isang female friend na tila sinundo siya sa airport.

Nag-comment naman ang panganay niyang anak na si KC Concepcion at binilinan siya na magpabakuna na laban sa COVID-19. “Get you vaxx!!!” ani KC.

Birthday nina Dennis at Jennylyn, parang isa lang

Short but sweet ang birthday message ni Jennylyn Mercado para sa boyfriend na si Dennis Trillo kahapon. “Celebrating you today and always. Happy birthday mahal ko! @dennistrillo,” ang pagbati ni Jen sa BF posted in her Instagram page.

Nagsipagbigay din ng kani-kanilang greetings ang mga kapwa-artista tulad nina Marian Rivera, Jerald Napoles, Kim Molina, Yasmien Kurdi, Chariz Solomon, among others.

Ilang araw lang ang pagitan ng kaarawan ng showbiz couple. Sa May 15 ay si Jennylyn naman ang magdiriwang ng kanyang 34th birthday.

Pauline, pinayuhang magpakatatag

Itinuturing na ‘best gift’ ni Kapuso actress Pauline Mendoza ang mga aral at payo na natanggap niya mula sa co-actors niya sa pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Pagkukuwento ni Pauline, marami raw siyang natutunan mula sa kanyang beteranong co-stars na sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia-Lapid, at Gio Alvarez.

Aniya, “Magpakatatag ka; marami ka mapagdadaanan – good or bad man ‘yan; kailangan mo mag-focus na lang kung ano talaga ‘yung goal mo dito sa industry na ‘to,” aniya na kabilang sa natutunan niya.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with