_pang-masa
^
Sumpa totoo nga ba? Darna ni Jane de Leon, âdi na makakalipad?!
Jane

Sumpa totoo nga ba? Darna ni Jane de Leon, ‘di na makakalipad?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

Matutuloy pa ba ang paglipad ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon? Wala na raw kasing update kung ano nang latest at kung ano na nga bang status nito matapos magkaroon ng announcement late last year.

Though may chika ngang tatapusin na ang Ang Probinsyano kung saan nga si Jane na ang leading lady ni Coco Martin after Yassi Pressman.

 Umamin si Jane na iniyakan niya ang pag-alis ni Direk Jerrold Tarog sa pagdidirek ng Darna last February. Si Direk Erik Matti ang naunang naka-assign na magdidirek nito pero hindi rin natuloy.

Kabilang ang career ni Jane sa naapektuhan ng pandemya at kawalan ng franchise ng ABS-CBN.

Anyway, speaking of Ang Probinsyano. Nauubusan na ng lugar na matatakasan si Cardo (Coco Martin) sa patuloy na paghahanap sa kanya ng batas at kamatayan habang bitbit niya ang hostage na si Lia (Jane de Leon) sa ABS-CBN teleserye na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Patuloy na nagiging mailap si Cardo sa kanyang mga kalaban matapos siyang sugurin muli ng buong batalyon ng Black Ops, na inatake ang tinutuluyan nilang rest house ni Lia. Kaya naman ngayon, doble-higpit na ang pagbabantay sa bawat checkpoint para matagpuan ang dalawa.

Ito ay matapos pansamantalang naging magkasangga sina Cardo at Lia sa pakikipaglaban sa mga armadong lalaki na pinaulanan sila ng bala.

In all fairness, tumitindi ang kapit ng mga manonood sa maaaksyong eksena sa serye dahil nagtala ng all-time high na 114,777 peak concurrent viewers ang episode nitong Mayo 10, at nilagpasan ang sariling live viewership record ng programa sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

Going back to Darna, ayun sa ibang netizens parang may sumpa raw talaga ang Darna. Bukod kasi sa dalawang direktor, nauna na ring naudlot dito sina Angel Locsin and Liza Soberano.

JANE DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with