_pang-masa
^
Janella, hindi nakilala ang sarili pagkapanganak!

Janella, hindi nakilala ang sarili pagkapanganak!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

Aminado si Janella Salvador na nawala ang kanyang confidence matapos niyang manganak at maging isang ina. “I wouldn’t say I got fully depressed, but there are many times until now that I have to remind myself that, ‘Hey, you gave birth to a human, that’s pretty amazing, that’s pretty hard.’ Because, after giving birth, I really lost confidence in myself, a lot of confidence,” pag-amin ni Janella sa kanyang panayam sa Metro.style.

She also confessed na kapag tumi­tingin daw siya ngayon sa salamin ay hindi na niya nakikita ang da­ting sarili.

Aniya pa ay hindi na raw nga niya maaalala kung kelan siya huling nakatulog nang mahimbing dahil nga parati siyang napupuyat sa pag-aalaga kay Jude, ang baby nila ni Markus Paterson.

Of course, okay lang ito sa kanya and thankful naman siya sa kanyang partner dahil hati naman sila sa pag-alalaga kay baby Jude. Si Markus daw ang nagpapatulog sa gabi at siya naman ang gumigising sa madaling-araw.

Plano niyang kapag nakasingit ng oras ay bibisita raw siya sa derma clinic for her “me time.”

Bong nagpasalamat sa Agimat...

Namamayagpag ngayon sa ratings ang action-packed fantasy drama series ng Kapuso Network na Agimat ng Agila na pinagbibidahan ng nagbabalik-telebisyon na si Ramon “Bong” Revilla Jr.

Taos-puso ang pasasalamat ng lead actor na si Bong na gumaganap bilang si Major Gabriel Labrador, ang tagapagmana ng kapangyarihan ng mahiwagang agila.

Malaking inspirasyon din daw ang vie­wers sa buong cast at sa lahat ng bumubuo ng Agimat ng Agila upang lalong pagbutihin ang kanilang trabaho, “Sila po ang naging motivation namin noon to ensure the quality and come up with this kind of program.”

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with