_pang-masa
^

Direktor nawindang, aktres sinasad­yang pangitan ang ­akting bilang nanay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

Hate pala ng isang aktres ang mga mother role, pero kung ano ang ayaw niyang gampanan, ‘yun naman ang offers na dumarating sa kanya. Kung patuloy siyang tatanggi sa mga dumarating na offer, dara­ting ang panahon na wala nang project na darating sa kanya at mapipilitan siyang tumigil sa pag-arte.

Gaya nitong huling project ng aktres, mother role na naman ang in-offer sa kanya na in fairness, kanyang tinanggap. Kaya lang, sa storycon, nalaman nito na halos kaedad niya ang isang aktres na magkakaroon ng involvement sa lead actor.

Dito na nag-react ang aktres at nag-walk out sa storycon, nahabol siya at napakiusapang tanggapin pa rin ang role na kahit mother role dahil isa ang role niya sa main character ng teleserye. Ang problema, sa taping gumanti ang aktres. Madalas siyang mag-under acting na ikinadismaya ng director dahil hindi nakakasabay sa mga kaeksena at lumalaylay ang eksena.

Hintayin natin ang mga susunod na offers sa aktres, kung muli ba siyang tatanggap ng mother roles o magreretiro na lang sakaling ‘walang role bukod sa mother role na dumating na offer sa kanya.

Ruffa, mas istrikta kay lorin

Mabuti at wala pang fans ni Lorin Bektas ang nagre-react kay Ruffa Gutierrez at Richard Gutierrez na rin dahil nang si Lorin ang nag-post ng photo in her skimpy two-piece, nag-react si Ruffa. Sabi agad ni Ruffa, “nag-shorts ka pa!”

Sinundan pa ng pagku-comment ni Richard ng “Cover yourself. I don’t want any of these guys checking you out.”

Bakit daw nang si Venice ang nagpo-post ng kanyang sexy photos, hindi kinagalitan ni Ruffa. Ang sabi pa nga, “So pretty I love you!” at “Keep working out Venezia!!!” Wala ring reaction si Richard sa photos ng pamangkin, parang okay daw sa kanila ni Ruffa ang sexy photos ni Venice.

Sabagay, wala namang post si Venice na naka-swimsuit siya at upper body lang ang ipinapakita at ang chest lang ang nasisilip. Hintayin nating mag-post si Venice na naka-two-piece at siguradong  may mababasa tayong reaction nina Ruffa at uncle Richard ni Venice.

Coney, nakatanggap ng application para maging GF ni Mayor Vico

Sa tatlo niyang social media accounts binati ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mom niyang si Coney Reyes ng Happy Mother’s Day noong May 9. Ang cute ng greetings ni Vico dahil old photos nila ang kanyang ginamit, ‘yung maliit pa siya.

Sayang at hindi sinagot ni Coney ang “Happy Mother’s Day, Mama” ng anak na mayor, inabangan pa naman ng netizens kung ano ang iku-comment ni Coney. Pero, alam nating lahat na very proud si Coney kay Vico lalo na at ginagawa nitong mabuti ang trabaho bilang Mayor ng Pasig City.

Naalala tuloy namin si Maey Bautista, isa sa comedienne-host ng GMA 7 at nakasama ni Coney sa Love of My Life. Nag-submit pala ito ng application kay Coney at kakaiba ang application niya dahil nag-a-apply na girlfriend ni Vico.

Ang tanong, ibinigay kaya ni Coney kay Mayor Vico ang application ni Maey?

Karen, nakisali sa survey ng GMA

Nakatutuwa ang netizens, ginawang big deal ang pagsali ni Kapamilya broadcaster Karen Davila sa survey ng GMA Public Affairs. Tanong kasi ng GMA Public Affairs, “ano ang mas dapat ilagay sa tinola: papaya ba o sayote”

Nabasa agad ang comment at sagot ni Karen na para sa kanya, sayote ang mas dapat ihalo sa tinolang manok. May kasama pang heart emojis ang sagot ni Karen, kaya ang mga sumali sa survey, naintriga at tinanong si Karen kung gusto na ba niyang bumalik sa Kapuso Network.

Pero, mas tama ang comment ng isang netizen na bago problemahin kung sayote ba o papaya ang dapat ihalo sa tinola, manok muna ang unang isipin at saka na problemahin ang sayote at papaya.

Hahaha! Tama nga naman!

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with