_pang-masa
^
Thai actors, bet uling pasyalan ang âpinas!

Thai actors, bet uling pasyalan ang ‘pinas!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

Mga Thai actor naman ang bagong pasabog sa commercial at music video ng TNT. Kasama ng Thai actors na ito sa latest TVC sina Sarah Geronimo at Sue Ramirez.

Ang Thai actors na ito ay sina Mario Maurer, Nonkul Chanon at Gulf Kanawut.  

Humarap sila kamakailan sa local press at masaya naman silang kausap.

Nakabisita na ang tatlo sa bansa para ma-meet ang fans nila. Si Mario ay nakagawa na rin ng pelikula dito sa atin.

Pagdating sa pagkain, taho ang nagustuhan ni Gulf. Pinatikim naman ng balot si Nonkul. Nagustuhan niya ‘yon. “Better than duck!” sabi niya.

Pero hindi ‘yon tinikman ni Mario, huh! Bumilib siya sa tapang ng pinakabata sa tatlo na si Nonkul.

Gaya ng ibang artista, apektado rin sila ng pandemic. Nawalan din sila ng projects. “More rest than work,” halos pare-pareho nilang sinabi.

Eh dahil kailangang magtrabaho, natuto silang mag-adapt sa nangyayari ngayon sa buong mundo.

Gusto rin nilang makabisita muli sa Pilipinas.

Para kay Mario, gusto niyang puntahan ang beach sa bansa.

Pagdating sa mga salitang Pinoy na natutunan, sumagot si Nonkul ng, “Kilili,” “Bet ko yan!” kay Gulf at “Gutom na ako!” naman kay Mario.

Ito ang pagkakataong nagsama sila sa isang malaking project dahil sa TNT.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with