_pang-masa
^
Diamonds na hiniram ni Rabiya, muntik nang mawala sa pictorial sa Miss U
Rabiya

Diamonds na hiniram ni Rabiya, muntik nang mawala sa pictorial sa Miss U

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

Dahil yata sa sob­rang pag-project, nahulog sa pool si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo habang nagpi-pictorial kasama ang iba pang kandidata.

Pero hindi lang ‘yun ang nangyari, muntik na rin daw mawala ang diamonds niya, chika niya sa IG story ng Miss Universe sa Instagram : “I almost lost my diamonds.”

Pero may update siya na “ I just wanna let you know that the diamonds are safe. You have nothing to worry about me,” banggit niya habang pinapakita ang mala­king diamonds na pinahiram ng isang jewelry store na ine-endorse rin ni Ivana Alawi.

Clothing line ni Marian, inaabangan

Marami na agad excited sa clo­thing line ni Marian Rivera.

Ito ay matapos niyang banggitin sa social media account niya na “Flora Vida’s clothing line... Coming... not soon!  Still working on it but can’t wait to share this exciting project with all of you! @floravidabymarian ♥?”

Hindi na nga naman niya kailangan ng endorser once na umpisahan ang clo­thing line, siya pa lang, ayos na ayos na.

Roxanne, hinihintay ipakilala ang mister

Ang gorgeous na buntis ng actress na si Roxanne Barcelo sa maternity pictorial niya para sa digital mag. ‘Yun nga lang, wala pa ring mention ng mister niya na non-showbiz.

Nilantad niya sa social media ang husband niya last December pero nakayakap ito sa kanya during their wedding kaya hindi makita ang face.

First Yaya at ilan pang Kapuso shows, mapapanood rin sa iQiyi International

May sorpresa ang GMA Network para sa mga Kapuso matapos nitong makipag-team up sa isa sa leading entertainment streaming platforms sa mundo – ang iQiyi International.

Mapapanood na sa iQiyi ang top-rating GMA primetime series na First Yaya  nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez pati na rin ang mga upcoming Kapuso drama na Legal Wives, tampok sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali; Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at Claire Castro; at Love You Stranger ng real life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with