_pang-masa
^
Gov. Chiz at nanay ni Heart, friends na rin!

Gov. Chiz at nanay ni Heart, friends na rin!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

Maayos na rin pala ang lahat sa pagitan ng ina ni Heart Evangelista (Cecilia Ongpauco) at asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Nag-post kasi si Heart ng larawan nilang mag-asawa kasama ang mommy ng aktres noong Mother’s Day, Sunday.

Sa larawan ay makikitang nasa kitchen silang tatlo at nagkakasayahan.

“My Mom and @SayChiz alam na dizzzzz soon on my YouTube channel,” ang caption ni Heart. Two weeks ago lang ay ibinahagi ni Heart sa YT account niya ang video kung saan ay makikitang okay na okay na si Chiz at ang ama niyang si Reynaldo Ongpauco.

In fact, nagpapagawa pa nga ng bahay sa Sorsogon ngayon ang daddy niya para roon na manirahan.

Sa nasabing video ay nabanggit nga ni Mr. Ongpauco na sana raw ay noon pa sila bati ni Chiz. Matatandaang hindi boto ang magulang ni Heart sa simula pa lang ng relasyon ng aktres kay Chiz and in fact, hindi nga sila dumalo sa kasal ng mga ito noong 2015. Masayang-masaya naman ang fans ni Heart na makitang okay na ang lahat sa pagitan ng mag-asawa at sa magulang ng aktres.

Komento nga nila, talagang totoo ang kasabihang “time heals all wounds.”

Jane, kinumpirmang source of happiness si RK

Kumpirmadong “item” na sina Jane Oineza at RK Bagatsing. Ang aktres mismo ang nagkumpirma nito sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon.

Nag-post si Jane ng larawan nila ni RK na magkatapat na nakaupo habang nasa isang restaurant at sa kanyang caption ay binati niya ang aktor sa kaarawan nito’t sinabing ito ang kanyang source of happiness.

“To this amazing person, my source of happiness... Happy Birthday,” caption ni Jane.

Sumagot naman si RK. “Kinilig ako,” sey niya.

Pati ang direktor na si Antoinette Jadaone ay nangantiyaw. “Ayan naaaaa,” panunukso niya.

Nagkomento rin si Alyana Asistio ng “ayun!!!”

Pinusuan naman ito ng mga kapwa-artista ng dalawa. Nag-react din ng heart emojis sina Jake Cuenca at Joseph Marco.

Marahil ay nagkadebelopan sina RK at Jane sa dalas ng pagkakasama nila. Matatandaang una silang nagkasama sa drama series na Araw Gabi noong 2018. Nasundan ito ng pelikulang Us Again last year at itong huli ay ang comedy series na I Got You sa TV5.

May kilig din ang kanilang tambalan kaya naman may fans na rin ang kanilang loveteam at tinawag silang RKane.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with