_pang-masa
^
Alwyn, sinisisi sa hiwalayan nila ni Jennica
Alwyn at Jennica

Alwyn, sinisisi sa hiwalayan nila ni Jennica

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

Ang comment ng isang netizen sa Instagram post ni Alwyn Uytingco na “Save your family dude” na ang gustong tukuyin ay ang paghihiwalay nila ng asawang si Jennica Garcia. Isang netizen din ang sumagot sa comment ng unang netizen na “di mo mapipilit ang taong ayaw. Instead of as­king him this, pray for Jennica and the girl’s healing,” dahil kawawa ang dalawang bata.

Sa convo ng netizens, si Alwyn ang sinisisi nila sa paghihiwalay nila ni Jennica, but of course, hindi natin ito malalaman dahil wala pang nagsasalita sa dalawa sa tunay na nangyari.

Ang sakit lang basahin ng post ni Jennica na ibinebenta na niya via live selling ang damit nila ng kanyang mga anak, home items, furnitures, toys, kitchen items, at Arts and Crafts materials. Ayaw na raw niyang dalhin sa lilipatang condo nila ng kanyang mga anak para may fresh start sila ng mga bata.

Natatandaan namin kung paano ipaglaban ni Jennica si Alwyn dahil mahal na mahal niya. Ano nga ba ang nangyari?

Markus, nagpasalamat kay Janella

Ang sweet ng Mother’s Day greetings ni Markus Paterson kay Janella Salvador na pinost sa Instagram.

“And to you my love, it’s been an ho­nour watching you grow into the amazing mother you are now. Jude doesn’t know how loved he is by you, and you don’t know how much you are loved by me.”

Pati sa mom ni Janella na si Jenine Desiderio, may Mother’s Day message rin si Markus na sinagot ni Jenine ng “Thank you, Big Son!”

Sabi ni Markus, “And to you mama @j9desire thank you for bringing the love of my life into this world, and continuing to be the loving mother of not just her and Russel, but now me too.”

JENNICA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with