_pang-masa
^
Cherie, patapos na nang umayaw sa legal...
Cherie

Cherie, patapos na nang umayaw sa legal...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

Last weekend pa lumabas ang isyung iniwan ng mahusay na aktres na si Cherie Gil ang ginagawa niyang bagong teleserye sa GMA Network, ang cultural drama series na Legal Wives. Kilalang isang professional actress si Cherie kaya maraming nagulat sa naging desisyon niya, na ayon sa kanya ay matagal niyang pinag-isipan, kasama na ang dasal, kung dapat ba niyang gawin iyon. At ang ending nga ay iiwanan na niya ang serye.

May nagsasabing may hindi raw siya nagustuhang kasama sa trabaho. Wala namang hint kung artista o kasama sa production, o ang paraan ng trabaho ngayong may pandemic, pero nakakagulat nga lamang dahil nakadalawang lock-in tapings na sila at dapat ay papasok na sila ang pangatlong lock-in na kung hindi kami nagkakamali ay hudyat na iyon ng pagtatapos ng trabaho nila.

Ano kaya ang magi­ging desisyon ng GMA Entertainment Group, na namamahala sa Legal Wives, palitan si Cherie, na mangangahulugan na uulitin nila muli ang taping sa simula pa lamang ng pag-appear ng character niya. 

Gumaganap sa serye sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, at StarStruck 7 alumni, Shayne Sava and Abdul Rahman, na excited pa naman daw si Cherie na makasama niya sa serye ang dalawa dahil isa siya sa judges sa original artista search ng GMA.

Carmina, gustong ingudngod ng netizen

Kung may isang character na most hated ngayon sa TV series, si Carmina Villarroel na ito, sa Babawiin Ko Ang Lahat. Kahit naman kinaiinisan ang character ni Carmina bilang si Dulce Espejo, na napaka-effective naman sa pagganap niya kung paano niya ginulo ang buhay nina John Estrada, Tanya Garcia at ng anak nilang si Pauline Mendoza, para makuha niya ang kayamanan nila.

Natatawa na lamang si Carmina sa comments ng netizens tungkol sa character niya. 

Nababasa raw niya ang comments, at natutuwa naman siya, dahil ang ibig sabihin nito ay effective siya sa pagganap niya ng character niya bilang si Dulce.

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with