_pang-masa
^
Ricky, namayapang superstar ng mga reporter!
Ricky

Ricky, namayapang superstar ng mga reporter!

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - May 11, 2021 - 12:00am

Kung si Nora Aunor ang kinikilalang Superstar ng mga artista sa pelikulang Pilipino, ang yumaong si Ricky Lo naman ang superstar ng kalipunan ng movie reporters sa local entertainment world.

Nakilala si Ricky sa style ng mga blind item pero mga totoong balita ang sinusulat niya at hindi imbento.

Likas na mabait si Ricky noon pa mang una naming nakilala. Minsan sa isang movie presscon, napansin namin si Ricky na may dalawang reporter na kausap na kapwa gatecrashers at walang invitation to attend the said affair. Sa awa ni Ricky, pinakain ang dalawa at binigyan ng white envelope mula sa sarili niyang bulsa. ‘Yung dalawa ay kapwa big time writers na ngayon.

Humanga kami kay Ricky sa sinabi niyang “pera lang ‘yan, kikitain sa ibang araw.”

Masuwerte si Ricky na masaya sa kanyang pamamaalam sa mundo na walang pinerwisyong ibang tao, hindi siya nanghingi ng panggastos sa mga artistang natulungan nang pasikreto sa pagkakasakit niya. Hindi rin siya gaanong pinahirapan ng sakit.

Paalam, Ricky, sa ‘yong paglalakbay. Rest in peace.

Sheryl, ‘di nakaligtas sa bagsik ng halik ni Sen. Bong

Wala pa ring kupas sa action si Sen. Bong Revilla. Ipinakita niya ito sa muling pagbabalik-TV sa seryeng Agimat ng Agila.

Sa loob ng limang taon, ngayon lang uli nagagamit ni Sen. Bong ang kanyang kamao. No wonder, nag-iingat ang goons na kalaban ni Sen. Bong na baka tamaan sila ng suntok nito.

Uhaw na uhaw siya na parusahan ang mga masasamang taong ayaw paawat sa kasamaan sa gubat.

Kasama rin ni Sen. Bong sa Agimat... sina Roi Vinzon, King Gutierrez, Benjie Paras, Ian Ignacio at tampok rin si Sheryl Cruz na hindi nakaligtas sa makamandag na halik ni Sen. Bong.

Nakikiramay po kami…

Nakikiramay kami sa yumaong treasurer ng Baliuag Parish Foundation na si Mrs. Beth Marcelo Valenzuela na kilalang owner ng pamosong Gloria Romero restaurant sa Baliuag, noong May 4.

Pero bilang paglilinaw, hindi po ang beteranang aktres na si tita Gloria Romero ang may-ari kundi ipinangalan lang ito sa restaurant.

Si Mrs. Beth Valenzuela po ay naging takbuhan ng mga mahihirap sa Baliuag at iniyakan ng kaparian ng Baliuag dahil sa suportang pagkain araw-araw.

Ngayong namatay na si Tita Beth, ang anak niyang si Dra. Eliza Valenzuela at ibang mga anak ang magpapatuloy sa kanyang misyon.

Salamat po, Tita Beth, sa iyong suporta sa mga mahihirap sa Baliuag gayung hindi ka naman nagtatrabaho sa gobyerno.

Birthday sana niya kinabukasan ng kanyang libing.

NORA AUNOR RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with