_pang-masa
^
Kycine at Sethdrea, may kampanya sa responsableng paggamit ng social media

Kycine at Sethdrea, may kampanya sa responsableng paggamit ng social media

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

Responsableng paggamit ng social media ang hatid na mensahe nina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes sa bagong anthology series na Click, Like, Share na swak sa kasalukuyang panahon.

Mapapanood ito sa buong mundo simula Hunyo 5 at may bagong episode tuwing Sabado sa KTX.ph at iWantTFC. Magiging avai­lable din ito ngayong taon sa TFC IPTV at Upstream.

Bibigyang diin ng serye na kahit na mahalaga ang papel ng social media sa buhay ng mga kabataan ngayon, marami rin itong nadudulot na masama tulad ng bashing, cyberbullying, at online harassment kapag hindi ito ginamit sa tamang paraan.

Si Kyle ang bibida sa unang episode na Reroute bilang si Brennan, na mag-iiba ang buhay nang biglang magkagusto sa kanya ang kinakaadikan niyang app.

Sa Cancelledt naman, magkakatotoo ang tila perpektong buhay na ipinapakita ni Karen (Francine) sa social media, ngunit mayroon panganib na kapalit.

Bibigyang-buhay naman ni Seth si Cocoy sa Trending, tungkol sa pagkakalat niya ng fake news sa isang kwentong nag-viral sa social media.

Bibida si Andrea bilang si Beth sa Poser, kung saan haharap siya sa sunud-sunod na pagsubok dahil sa clone na gawa ng isang app.

Makakasama rin sa episodes ang The Squad Plus members na sina Danica Ontengco at Renshi de Guzman, pati na sina Jimuel Pacquiao at Nio Tria sa kanilang acting debut.

Kasunod ng premiere ng unang episode sa Hunyo 5 ng 6 PM, isang bagong episode ang mapapanood tuwing Hunyo 12, Hunyo 19, at Hunyo 26 ng 6 p.m. Para mapanood ang apat na episodes, bumili lang ng season pass sa KTX.ph (P299) o iWantTFC (P299 sa Pilipinas o US$5.99 sa labas ng Pilipinas).

Mula ito sa direksyon ni Emmanuel Q. Palo.

Rica, grabe ang pagpapawis nang tamaan ng virus

Pati pala ang sobrang pagpapawis ay symptoms na rin na na-virus ka. Ito ang isa sa mga nabanggit ni Rica Peralejo nang magkaroon siya ng COVID-19 at maging ang asawa niyang pastor.

Confused daw siya dahil ito ang unang naram­daman niya nang magkaroon siya ng shoot sa bahay nila. Eh kaso raw mainit din naman noong araw na ‘yun kaya parang pakiramdam niya ay the usual daw na pinawisan lang siya dahil sa init ng panahon.

Nakaramdam din naman daw siya tiredness, and other symptoms ng COVID-19. Pero nang naging extra tired siya, nagpa-PCR na siya.

Pero ‘yun nga, normal thing lang sa kanya ang mga naging simtomas niya kaya nagulat din siya na nag-positive siya.

Naka-recover na sila ng mister niyang si Joseph Bonifacio pero ang nahirapan sila ay sa contact tra­cing.

Scary lang na pati pawis, eh sa init ng panahon ngayon, talagang papawisan ka naman. At kahapon din, ay 7,174 ang new cases habang 204 ang number of deaths.

ANDREA BRILLANTES FRANCINE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with