_pang-masa
^
Matteo, naalala si Mommy Divine sa Motherâs Day
Matteo

Matteo, naalala si Mommy Divine sa Mother’s Day

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

Hindi nakalimutang batiin ni Matteo Guidicelli ang nanay ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine sa pagdiriwang ng Mother’s Day kahapon.

Nag-post si Matteo ng cooking video kung saan ay nagluluto siya ng pasta para sa kanyang endorsement. Sa caption ay binati niya ang kanyang ina at biyenan ng “Happy Mother’s Day.

“It’s not always easy to find the right way to express our feelings, but sometimes, a simple gesture like preparing a plate of pasta can truly become the best one,” ang bungad ng caption ni Matteo.

“Happy Mother’s Day to my mama Glenna and mommy Divine,” pagbati ni Matteo.

Inulan ng katakut-takot na papuri mula sa netizens ang post na ito ni Matteo. Maging si Ogie Alcasid ay nag-react ng “raising hands emojis.”

Well, hindi naman kaila sa lahat ang history ng relasyon ni Matteo sa magulang ni Sarah. Open book noon pa na tutol ang parents ni Popstar sa kanya, dahilan para ilihim nila ang kanilang kasal noong February 2020.

Up to now ay hindi pa ok ang lahat sa pagitan nila kaya naman sa comment section ay umani ng suporta at words of encouragement si Matteo mula sa netizens.

Umaasa ang marami na in God’s time ay maaayos din ang lahat sa pagitan ng mag-asawa at ng parents ni Sarah.

Kris, sinorpresa ng mga anak

Proud na ibinahagi ni Kris Aquino ang surprise na natanggap niya kahapon mula sa dalawang anak bilang selebrasyon sa Mother’s Day.

Ang panganay niyang si Joshua ay lumuwas pa from Tarlac kaya naman masayang-masaya si Kris.

Makikita sa larawan ang balloons and flowers na surprise nina Joshua and Bimby. “They SURPRISED me last night! Bumisita yung Tarlac resident! i told all of you i’ll only post them pag yung occasions when regular, normal people would post their kids... it’s mother’s day! and i thank God, He chose me to be their mama!” ang caption ni Kris.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with