_pang-masa
^
Alice at asawa, naiba ang relasyon nang magkaanak
Alice

Alice at asawa, naiba ang relasyon nang magkaanak

Gorgy Rula (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bongga rin ang gender at name reveal ni Alice Dixson ng kanyang anak dahil sa Eat Bulaga noong nakaraang Sabado niya ito ginawa na napapanood sa buong mundo.

Sinabi na nga niyang baby girl na pinangalanan nilang si Aura.

Ang isang ikinatuwa ni Alice pagdating ni Baby Aura sa kanilang buhay ay naiba raw ang bonding nila ng kanyang partner.

Ikinuwento muna niyang pagkatapos nilang ma-quarantine sa isang hotel ng anim na araw, ang partner daw niya ang sumundo sa kanila.

Aniya; “Ikinatutuwa ko nung pag-uwi ko…siyempre naka-quarantine ako for six days.

“Sabi niya (ang partner niya), ‘ayoko ng driver. Gusto ko pagsundo ko sa inyo, gusto ko ako lang kasi special moment ito na mami-meet ko ang aking anak for the very first time.

“When we got to… tulong kami kasi alam niya… that was the only time na magkaroon ako ng karelyebo na mag-alaga.

“So he helped me with feeding her.

“He helped me… let me sleep for the first time na dire-diretso na eight hours. And he really… I saw parang how much he adores our child right away he fell in love.”

Iba-iba raw ang nararamdaman niya nang dumating si Baby Aura sa kanilang buhay.

Kahit hirap siya sa pag-aalaga dahil wala pa siyang yaya, hindi raw siya nagrereklamo.

“It was a feeling of halu-halo emotions... parang a sigh of relief, nerbiyos na I’m gonna be a good mom, happiness. Meron din konting fear, kasi siyempre there’s a lot of negative things going on around in the world right now.

“I guess, because I’m a very optimistic person, nalampasan ko ang trials na ‘yun because of positive thinking,” pakli ni Alice sa interview sa kanya nina Ryan Agoncillo at Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga.

Sa tingin daw niya sa kanyang anak ay matalinong bata ito.

Ang wish nga niya kay Baby Aura ay magiging astronaut daw ito.

“Just looking at her, I think she’s a very intelligent baby already. Ang dami na niyang milestones na that she already started na hindi pa dapat.

“She just like to give you that look na nagpa-ponder siya, na nag-iisip siya na what is this hmmm… what can I do to my mommy or to my daddy to get them inis. Parang meron siya laging iniisip na malalim.

“I think she’s gonna be a smart kid,” dagdag niyang pahayag.

Poppert, may pa-Mother’s day 

Tugma sa Mother’s Day celebration ang promo ng bagong single ng theater actor/singer at artista na ring si Poppert Bernadas. Si Poppert ang isa sa mga alaga ng A Team ni Ogie Alcasid, at ngayon ay nakapag-record na siya ng kanta na dinistribute ng Star Music.

Ito ‘yung Payakap Inay na tamang-tama naman sa Mother’s Day. Si Poppert din mismo ang nagsulat ng kanta na nagmula sa mga nasulat niyang love letters para sa kanyang inang namayapa  tatlong taon nang nakaraan.

Si Toto Sorioso ang naglapat ng musika na may tunog millennial. Tiyak na magiging proud daw ang kanyang ina na finally nai-record na niya itong awiting ito.

Iyon naman  ang gusto ng mommy niya na kumanta siya, kaya noong nasa burol daw nito ay halos limang oras daw siyang nagkakanta.

ALICE DIXSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with