_pang-masa
^
Jennica, binebenta na ang bahay nila ni Alwyn!
Jennica

Jennica, binebenta na ang bahay nila ni Alwyn!

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

Tumatagal din ng pitong taon ang pagsasama ng mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco bago sila tuluyang nagkahiwalay. Ang (dating) mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak na parehong babae – sina Athena Mori at Alessi Uytingco.

Dahil sa paghihiwalay ng (mag-asawa) ay ibine­benta na ang kanilang bahay at maging ang kanilang mga kagamitan dahil gusto ni Jennica na magkaroon ng fresh start kasama ang kanyang dalawang anak sa kanilang lilipatang bahay.

It was in February 2014 nang magpakasal sina Jennica at Alwyn pero nitong March lamang umugong ang paghihiwalay ng dalawa.

Si Jennica ay panganay na anak ng singer-actress na si Jean Garcia sa dating That’s Entertainment member at actor na si Jigo Garcia. Sumunod naman kay Jennica si Kotaru Shimizu (18) na anak ng singer-actress sa isang Japanese national na isang advertising executive sa Japan.

Vice, sanay nang mag-perform na walang audience

After the successful digital concerts of Daniel Padilla, Regine Velasquez and Sarah Geronimo, si Vice Ganda naman ang susunod na sasabak sa pamamagitan ng Gandemic: VG-tal Concert, his first-ever digital concert na nakatakdang ganapin on July 17, 2021 at 9 p.m. to be directed by actor-director John Prats with Marvin Querino as musical director. Makakasama ni Vice as special guests sina Ice Seguerra, Jake Zyrus, Moira de la Torre at Anne Curtis.

Unlike other concerts, ang first digital concert ni Vice ay 90% comedy habang ang natitirang 10% ay ilalaan niya sa musical part at sa kanyang special guests.

“Ang pagpapatawa kasi ang strength ko kaya mas lamang ang comic part,” aniya. “Gusto ko lang magpasaya ng mga tao lalo na sa panahong ito ng pandemya,” dugtong pa ni Vice.

Tickets can be bought at P1,500 (VIP) and P1,000 (regular) at ito’y mapapanood sa @KTX, iWant TFC at Sky PPV.

Since nasanay na si Vice na walang audience sa noontime show na It’s Showtime, hindi na siguro siya maninibago sa kanyang digital concert on July 17 which will be pre-taped earlier.

David at Anthony, halos sabay nabuntis ang mga asawa

Masayang-masaya ang Australian-born Filipino-Czech professional basketball twin brothers na sina David and Anthony Semerad dahil magkakaroon na ng dalawang apo ang kanilang parents na naka-base sa Australia.

Si David ay may isa nang anak na si Cooper John (turning two in August) sa kanyang wife, ang actress na si Gwen Zamora habang si Anthony ay malapit na ring maging ama dahil ipinagbubuntis ngayon ng kanyang wife, ang actress, commercial model at entrepreneur na si Sam Pinto ang kanilang magiging first baby na isang girl na may nakahanda nang pangalan – Mia Ana Semerad.

Although nauna nang magkaroon ng anak ang mag-asawang David at Gwen, ang mag-asawa ay nitong nakaraang February lamang nagpakasal sa France habang last March naman sina Anthony at Sam.

ALWYN UYTINGCO JENNICA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with