_pang-masa
^
Pauline, naging OA sa pagiging api
Pauline

Pauline, naging OA sa pagiging api

BOZEZ - Vir Gonzales (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

Sa teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat, sa halip na maawa ang mga tagapanood sa api-apihang si Pauline Mendoza sa ginagawa nina Carmina Villarroel at Liezel Lopez ay naasar pa raw sila sa sobrang paapi nito gayung may mga mang-aagaw lang sa mamanahin sa karakter ni John Estrada.

Nakakaaliw ang naturang serye. Parang throwback ng mga istorya noon ng Sampaguita Pictures at LVN Pictures.

Noong araw kasi ganun ang mga tema ng istorya.

Uso pa ba ang pangungudngod ng mukha sa putikan? Kaya lang nagmumukha silang mga bading sa katapangan. Hiling ng manonood na sana ‘yung simpleng arte lang at hindi na kailangang overacting pa.

AJ, hindi nagmana sa ina

Nag-celebrate ng birthday si Monica Herrera, ang dating Santracruzan queen noong araw. Simple lang ang birthday party niya together with her mom at pamilya. Happy si Monica dahil naroon ang mga anak niya at mahal sa buhay.

May mga nagtatanong bakit daw nag-bold ang anak niyang si AJ Raval sa pelikulang A Death of A Girlfriend with Diego Loyzaga. Humingi raw ba ng pahintulot si AJ sa mapangahas na eksenang gina­gampanan niya sa inang si Monica?

Isa si Monica sa pinaka-sweet na aktres noong araw kaya hindi makapaniwala ang mga nakapanood kay AJ na naghubad ito.

May tanong ding bakit naman pinag-bold si AJ gayung bata pa ito at hindi naman panahon ng bold ngayon. Considering na sa digital platforms lamang ito mapapanood.

Mga taga-Baliuag, may pantry na rin

May community pantry na rin sa Baliuag, Bulacan. Namamahagi rin ito ng ayuda at pagkain sa mga nagugutom na pamilya. Balitang may grupo ng mga mayayamang taga-Baliuag ang nag-ipun-ipon ng mga pagkaing maipamimigay din sa mga nangangailangan.

Maraming salamat po sa aming Barangay Captain na si Ilyong Buenaventura. Hindi niya pinababayaan ang mga kabarangay pagdating sa distribusyon ng ayuda at pamimigay ng tulong sa kanyang mga kababayan.

PAULINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with