_pang-masa
^
Alice masaya kahit hirap sa Adjustments sa pagiging ina
Alice

Alice masaya kahit hirap sa Adjustments sa pagiging ina

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

Wishing ang ibang netizens na ‘wag itago ng isang ex sexy star ang diumano’y pagiging ina na niya lalo na nga’t araw naman ng mga nanay ngayon.

Bagama’t walang kumpirmasyon kung totoo ngang nabuntis ito at nanganak, mas mabuti pa rin umanong lumantad siya at magpakita para magkaalaman na.

Hindi na rin naman kasi raw siya bata para ilihim kung may anak nga siya o wala. Dapat nga raw maging masaya siya if ever na mayroon na siyang supling.

Bakit nga ba raw hindi niya tularan si Alice Dixson na proud na isa na siyang ina sa edad na 51.

Kahapon ay nasa Eat Bulaga si Alice na nagka-baby sa pamamagitan ng surrogacy method. First time nitong magdiriwang ng Mother’s Day kaya naman masaya ito.

At doon na niya kinumpirmang girl ang baby niya. “Babae po ang anak ko. Her name is Aura,” banggit niya for the first time. Lagi lang kasi niyang tinatawag na Baby A ito.

“It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier. And I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier. Pero ito na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I’m gonna be turning 52 this coming July,” kuwento niya pa sa mga host ng EB kahapon na sina Paolo Ballesteros  and Ryan Agoncillo.

Nang tanungin naman siya kung kumusta ang maging isang nanay? Wala naman daw siyang comparison since first time nga niyang magkaanak. “Mahirap ‘yung puyat, mahirap ‘yung adjustments sa pagpapakain ng baby, saka sa totoo lang, hanggang ngayon wala pa rin akong yaya so, it’s all me.”

Kahit daw paglabas nito ng hospital ay nag-iisa rin siya dahil sa travel restrictions. “Ako ‘yung nag-asikaso ng passport niya, ako ‘yung nag-asikaso ng visa niya, ako ‘yung nag-asikaso ng pagpapakain sa kanya. Kumbaga I didn’t have a driver, a maid, a nanny, anything. It was all me for the first and a half so, ang hirap,” chika pa siya.

Yam nadala si Tiny sa NY

Wow, nadala ni Yam Concepcion sa New York and puppy niyang si Tiny.

Bongga  ang mga alagang dogie ng celeb, tinatalbugan pa ang mga gusto nang mag-travel.

Sa New York nagkita sina Yam at boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng. ”I survived my first international flight! Hello NYC- Tiny,” post ng sexy actress na bida sa Init Sa Magdamag.

ALICE DIXSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with