_pang-masa
^
Janine walang maitago kay Rayver
Janine at Rayver

Janine walang maitago kay Rayver

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

“Masaya saka madali lang,” ang deskripyon ni Janine Gutierrez sa relasyon nila ni Rayver Cruz.

Ani Janine sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, payo raw kasi ng nanay niyang si Lotlot de Leon na kung hahanap ng boyfriend, ang pilliin daw niya ay yung madali lang. “Palaging sinasabi ng nanay ko na dapat ganun daw ‘yung hanapin mo, ‘yung parang madali lang. So, hindi ko maintindihan, ano bang ibig sabihin nun? Kasi ‘di ba ‘pag mas bata ka akala mo ‘yung mga drama, ‘yung mga ganyan, ibig sabihin okay ‘yang mga ganyan.

“Pero nun’g nakilala ko si Rayver, sabi ko, ‘ah ito pala ‘yung ibig sabihin ng mommy ko’,” tsika ni Janine.

Ang isa pang maganda raw sa relasyon nila ni Rayver ay ‘yung tanggap na tanggap daw nito ang buong pagkatao.

“Nu’ng una kasi, mga momshie, ayoko pang magka-boyfriend nu’ng nakilala ko siya. So alam mo ‘yun, hindi ako nag-adjust. Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko. Hindi ako nag-effort magpaganda, mga ganyan,” natatawang sabi ni Janine.

“So, ipinakita ko sa kanya kung ano talaga ako nang buong buo, at ngayon, masasabi ko na tanggap niya ‘ko nang buong buo,” sey niya.

 “At saka ramdam ko na wala akong kailangang itago o baguhin tungkol sa sarili ko. Sobrang generous niya at mabait lalo na sa pamilya,” dagdag pa ng aktres na bibida sa Kapamilya seryeng Marry Me, Marry You.

Andre ‘di pa rin makalaro sa PBA

Looking forward and sobrang excited na si Andre Paras na makapaglaro sa PBA (Phillipine Basketball Association) kung saan ay opisyal na siyang player ng Blackwater basketball team. “I can’t wait to play the sport I love again. I understand that safety will always come first so for now let’s do our part by following the safety protocols. Don’t forget to remind your loved ones and friends to stay healthy. #PBAItuloyAngLaban,” ang post ni Andre sa kanyang Instagram.

Nakatakda na sanang magbukas ang 46th season ng PBA last April pero dahil nga nasa quarantine pa ang NCR plus ay naurong ito at baka raw sa June na magsimula.

Matatandaang napili si Andre ng Blackwater matapos siyang sumali sa PBA draft early this year. Pumirma na ng 3-million-contract sa nasabing team ang anak ni legendary basketball player Benjie Paras.

Dahil nga PBA player na si Andre, second priority na lang niya ang showbiz at syempre ang basketball na ang kanyang pagbubuhusan talaga ng atensyon. Pero aniya ay hindi pa rin naman daw niya totally kalilimutan ang pag-aartista.

Glaiza abala sa coffee shop

Maliban sa acting ay abala rin ang Nagbabagang Luha star na si Glaiza de Castro sa nalalapit na pagbubukas ng kaniyang cafe sa Baler.

Sa isang IG post ay ibinida ni Glaiza ang kaniyang newest venture, ang Cafe Galura.  

Bukod sa nakakamanghang interior ng soon-to-open cafe ni Glaiza, mismong ang Irish fiance ni Glaiza na si David Rainey ang maghahanda ng coffee dahil sa kanyang background sa coffee business.

Samantala, abangan si Glaiza bilang Maita at ang mga matitinding eksena niya kasama si Cielo na ­gagampanan ni Claire Castro sa upcoming Afternoon Prime series ng GMA Network na Nagbabagang Luha.

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with