_pang-masa
^

Flora Vida Home Items ni Marian, nagkakaubusan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

Mukhang mapapadali ang pagre-replenish ni ­Marian Rivera ng Kitchen Essentials items ng kanyang Flora Vida Home dahil ‘yung pot holder, nabasa naming may nakasulat na “sold out.” Pati ‘yung table napkin, sold out na rin.

May isa pa kaming item na nakita na may nakasulat na “last piece.” Ang dami ring nagtatanong  kung magkano ang apron and by this time, baka sold out na rin, yun.

 Samantala, this  Mother’s Day ilalabas nina ­Marian at Dingdong Dantes ang bagong episode ng online mini-series nilang  Jose En Maria na nabuo habang nasa Covid-19 quarantine sila.

Episode 7 na ito at Mother’s Day pa, kaya tiyak na magpapaiyak na naman gaya ng mga nauna nilang ginawa.

 Nabanggit nina Marian at Dingdong na naging bonding nila ang pagko-conceptualize at happy sila habang ginagawa. Para raw hindi trabaho ito dahil ini-enjoy nila ang proseso ng bawat episode mula sa conceptualization, sa execution at hanggang sa airing.

Derek, pinakikiusapang tantanan na si Andrea

 Naaliw kami sa nabasang pakiusap ng netizens na ‘wag na nilang interbyuhin pa si Derek Ramsay dahil sigurado raw na babanggitin na naman nito si Andrea Torres. The best way raw para hindi uli mabanggit ni Derek ang ex-GF ay ang hindi siya ma-interview.

 Napapansin kasi ng viewers na everytime na may interview kay Derek, walang mintis na nababanggit si Andrea at nangyari nga ito sa latest interview niya. Sabi tuloy ng netizens, dapat ma-flatter si Andrea dahil “she’s living rent- free 24/7 in Derek’s mind.”

 In fairness, sabi naman ni Derek na ‘yun na ang last time na magsasalita siya about Andrea dahil gusto niyang matapos na ang isyu at “I want to put it to rest.”

Ayaw na raw niya na paggising niya, ang break-up pa rin nila ni Andrea ang pinag-uusapan. Pero, sabi nga ng netizens, dapat mauna muna siyang tigilan ang pagsasalita tungkol kay Andrea at sa kanilang paghihiwalay.

JD pang-matanda raw ang kanta

 Na-release na pala kahapon ang single ni JD Domagoso na Do You Think I’m Sexy at puwede nang i-download sa Spotify, iTunes at Apple Music. May kasama na ring music video ang single, pero bukas, Monday (May 10) pa lalabas sa YouTube.

Narinig namin ang single at napanood ang music video at makikita ang husay sa pagsasayaw ni JD. May mga nag-react lang na hindi bagay sa age niya ang song dahil old song daw.

Anyway, marami ang kinikilig sa love team nina JD at Cassy Legaspi sa  First Yaya dahil may chemistry ang dalawa.

Julia, binash dahil sa paa ni Gerald

May nasilip na naman ang bashers nina Gerald Anderson at Julia Barretto para i-bash ang dalawa.

Naka-post kasi sa IG Stories ni Julia ang larawan ng paa ni Gerald na naka-sandals na pambahay na, naka-taas ang mga paa habang may pinapanood sa telebisyon.

 Sabi ng bashers, bakit pati paa ng aktor kailangang kunan ng litrato at i-post ni Julia? IG ‘yun ni Julia at choice niya kung anong pictures ang gusto niyang i-post.

Saka, hindi nakita ng bashers na naka-tag sa larawan ng mga paa ni Gerald ang sandals na ini-endorse ni Julia.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with