_pang-masa
^
Mikael at Megan, sinusulit muna ang pagtira sa siyudad!
Mikael at Megan

Mikael at Megan, sinusulit muna ang pagtira sa siyudad!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

Sa latest podcast ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young, pinag-usapan nila ang paglipat at pagtira sa Subic.

Nakabili na sila ng bahay sa Subic at ipapa-renovate muna nila bago sila tuluyang lumipat. Pero dahil sa pandemic, hindi magtuluy-tuloy ang pagpapaayos ng kanilang bahay.

“We’re planning to move there initially but after looking at the house that we bought, we do need to fix it up quite a bit and it will take time because of the pandemic and all the strict rules that are in place,” sey ni Megan.

May projects daw silang sisimulan sa GMA kaya mas okey daw na sa Manila muna sila tumira. Pero si Mikael, nasa puso pa rin ang paglipat sa Subic.

“I still want to move to Subic eventually because we do have that house there, but you are right. It is definitely going to take at the very least half a year to maybe a year just to fix it up.

“We only want to do that when we can freely move and hindi siya magiging stop and go kasi siyempre with the pandemic right now sometimes construction can stop because if there’s an outbreak or whatnot. That’s not something we want to deal with because it’s stressful. So that’s something we want to avoid.”

Hosts ang dalawa sa upcoming matchmaking musical competiton na Sing For Hearts. Kaya sa Manila daw muna sila.

“Honestly, I want to move to Subic ASAP. But knowing my personality and how I want things to be efficient, how I want time to be efficient with the work that we do, I feel like we’re going to be staying in Manila for a couple of years pa before we really move to Subic.

“For me it’s all about staying in Manila and making the most out of it muna habang wala pa tayong anak, ‘di ba?” diin pa ni Megan.

Dion, magkakaroon na ng baby no. 2

Masayang binalita ni Kapuso actor na si Dion Ignacio na buntis sa second baby nila ang misis niyang si Aileen Sison.

At ang baby number 2 ay isang lalaki na labis na ikinatuwa ng mag-asawa. Ang panganay nila ay girl named Dylanne Jailee.

“Buntis siya ngayon kaya may baby boy na kami. Dalawa na. Dalawa na ‘yung baby namin. May girl na ‘tsaka boy,” sey ni Dion sa programang Mars Pa More.

Kinasal noong nakaraang March si Dion at Aileen pagkatapos ng ilang taong magkasama bilang live-in partners.

Mas ganado raw ngayong magtrabaho si Dion dahil magiging tatay na ulit siya. Huli siyang napanood sa GMA teleserye na Magkaagaw.

Iron Man, nagluluksa

Nagluluksa ang Iron Man star na si Robert Downey Jr. dahil sa pagpanaw ng trusted assistant niyang si Jimmy Rich. “This is not news… This is a terrible and shocking tragedy. Jimmy Rich was in a fatal car accident at approx. 8pm yesterday.

“He was a brother, my right hand man, an uncle to our kids and beloved by all who experienced his singular character and wit... our thoughts go to his relatives, friends, co-workers, and all the fans who knew him as the man who supported every step of my recovery, life and career.

“Again, my condolences to his beautiful family, and the legacy of hope and redemption his life will continue to represent. Peace Be Unto You,” post ng aktor via Instagram.

Naging assistant ng aktor si Rich noong 2003 habang ginagawa niya ang pelikulang The Singing Detective.

Dahil likas na mabait at mapagkakatiwalaan si Rich, naging close din ito sa mga katrabaho ni Downey tulad nila Chris Evans, Gwyneth Paltrow, Mark Ruffalo, Chris Hemsworth, Chris Pratt, Josh Brolin, Jeremy Renner, Gregg Clark at Jack Black na may kanya-kanya ring mensahe sa pagpanaw nito.

MEGAN YOUNG MIKAEL DAEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with